Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

 

 

  1. Akala natin, ang LOVE, parang chocolate, na kahit kelan natin tikman, laging sweet.

 

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Hindi chocolate bes, prutas, na pag pinitas mo ng hindi hinog, it’s either sour or bitter. Pag di mo hinintay hilaw, di mo maeenjoy, makukunsumi ka lang, sino ba namang gusto ng maasim o mapait o mapakla diba? Para ding bigas, hindi ka naman manok o kaya ibon diba? Diba syempre dapat lulutuin muna, dapat maging kanin muna? Parang yung nilagay mong juice sa fridge, hihintayin mo munang lumamig diba, well, maliban na lang kung gusto mo ng maligamgam na juice. Parang rosas, bakit mo pipitasin kung bubot pa lang, ano gagawin mo dyan, nagjojoke ka ba? May tamang oras bes, may panahon para mag go, mag wait o mag stop. alam mo yung huling nakasabay ko sa pedestrian lane na di naghintay andun ngayo sa ospital pilay.

 

  1. Akala natin ang LOVE natural talagang parang Roller Coaster ride.

 

Roller Coaster, minsan pataas, minsan pababa, paikot ikot, magulo, nakakahilo, nakakaubos ng lakas. We often think na natural lang yon, na sa relasyon magkakaroon talaga ng ups and downs, minsan magkakaroon talaga ng mga away, minsan you’ll get lost, you’ll be out of track, di magkakasabay yung rhythm nyo, minsan talagang makakaramdam ka ng pagod on making your relationship work. Napakalinaw nitong proof na, we, humans, love complicating things. Why buy a roller coaster ticket when in the first place aware ka namang mahihilo ka dun? Why will you give your heart to someone whom you’re having doubts, why will you enter a relationship which you know na capable of breaking you into pieces. Bakit mo papahirapan yung sarili mo, bakit mas pipiliin mo yung risky at masyadong mabilis kung pwede namang maupo, mag enjoy sa view at magchill ka na lang sa ferris wheel habang hinihintay yung dahan dahang pagtatapos nung isang round hanggang sa pwede ka ng bumaba. Bakit ka magmamadali kung alam mo namang makakabuti sayong hayaan si Lord na ipakita sayo yung view na gusto nya sayong ipakita, yung kung sino ang tamang taong dapat mong pillin at yung kung sino yung gusto nyang maging ka, na pwedeng pwede mong maachieve while you’re patiently waiting till the ride’s done, till God’s right time had come.

 

  1. Akala natin we should always FOLLOW OUR HEART.

 

Unang point, bago mo iFollow yung Heart mo, Guard your Heart muna. Kasi kapag napangalagaan at naprotektahan mo ng maayos ang puso mo from any heartbreak, from even just scratches or cracks, kapag napanatili mong hindi nawawala sa good condition yan, may dahilan ba para magmalfunction sya? Of course wala diba, imposibleng pumili yan ng maling tao, a well-guarded heart won’t beat for someone na alam nyang hindi para sa kanya. Trust me, a well-guarded heart won’t let you make any wrong decision.

 

Second point, kung may puso man na dapat natin ifollow hindi yung atin yun, kundi yung puso na pumayag na tumigil sa pagtibok mailigtas lang tayo sa mga kasalanan at mabigyan ng kalayaan over 2000 years  na ang nakakaraan. It’s God’s heart we should always follow.

 

  1. Akala natin it’s LOVE when we feel happy with him/her around.

 

Kung totoong LOVE yon, it’s not happiness we’re gonna feel. Hindi yun ganon, kasi if it’s LOVE, you’ll not feel happy, you’re supposed to feel Blessed.

 

  1. Akala natin it’s nice when we Fall in LOVE.

 

Dalawa to pili ka na lang bes ha,

 

  1. Malalaman mong tamang tao sya when He/She’s drawing you near God, and God’s up there above to make sure He can keep an eye over all of us, so you shouldn’t fall in LOVE, you’re supposed to Rise in it, LOVE has to make you better, to teach you reach higher levels of the game, LOVE must be drawing you up, near Him.
  2. Malalaman mong tamang tao sya kapag kahit na gaanong kabigat pa yung burden mo kayang kaya nya yong pagaanin, malalaman mong tamang tao sya kapag hinihila ka nya pataas pag malapit ka ng sumuko at bumitaw, you’ll know He/She’s the right one when even you’re starting to lose hope He/She’ll still give you encouragement, He/She will do everything para I-lift up yun spirit mong down na down na. Pataas lagi, kasi nga, you’re supposed NOT TO FALL BUT TO RISE IN LOVE.

 

  1. Akala natin malalaman natin na LOVE yun pag nag slow motion lahat.

 

Mali, you’ll know its LOVE hindi kapag nag slow motion kundi kapag nag fast forward. Kung tamang tao sya, He/She won’t be slowing things down, lalo na yung spiritual growth mo o yung pag achieve mo sa fulfilment ng purpose na binigay ng LORD sayo. You’ll know He/She’s the right one when God fast forwards everything through showing HIS wonderful plans for you and you see Him/Her included in that plan God has for your future life.

 

  1. Akala natin nakakasira ng relasyon ang Third Party.

 

Panget ang relasyong pandalawa lang, walang thrill, puro lang utuan, puro lang patwitams, the best pa din pag tatlo kayo at si LORD syempre ang bet na bet at isa-suggest kong pangatlong myembro.

 

  1. Akala natin LOVE yun pag parang nagwawala yung puso natin sa sobrang lakas at bilis ng tibok ng puso natin.

 

Etong huli, si Lord ang proof ko. He’s the one who invented LOVE diba? No wonder He’s the best definition of it. Napatunayan ko na ang LOVE hindi talaga tungkol sa biglang pagwawala ng sistema ko particularly itong tumitibok at nagpapanatili sa akin na humihinga at buhay. Bakit? Kasi, when I fell in love with GOD, I had peace. Kumalma yung paligid ko at kasabay non, yung pagkalma ng kalooban ko. Nawala lahat ng gumugulo sa isip at sa puso ko. Nothing less than what’s expected from the Prince of Peace diba? The same thing, malalaman mong tamang tao sya when you feel at ease and at peace sa piling nya.

 

 

 

If you still have questions, at kung bitin pa, lagi lang nakaabang sa pagbisita mo ang 1 CORINTHIANS 13 wag kang mag-alala. I would love to end this with a friendly reminder that God’s already writing your lovestory kaya kalma, yung right one mo, oo naman dadating sya, at wag mo sanang sayangin yung oras habang hinihintay mo pa sya, siguraduhin mong pagdating nya, hindi na sya mag dadoubt pa kung ikaw na nga ba talaga yung “MAN/WOMAN AFTER GOD’S OWN HEART” na ipinagpepray nya, make the best out of the time you have while waiting, spend it on serving God and continuously aiming for being the best person your right one could ever have.

 

<3

Send me the best BW Tampal!

* indicates required