Naiinis ako sa sarili ko. Pero ang sarap pa lang masaktan ano? Ung tipong binabalewala ka ng taong gustong gusto mo. Gusto ko sya, pero wala.

Mula umaga hanggang gabi, sya lang nasa isip ko. Minu minuto segu segundo. Iniisip ko sya at sabik na akong makausap sya. Tapos sa panahon naman na inaasahan ko makausap sya, madami na sya dahilan. Naiinis ako di na sya tumigil sa isip ko, pati pag dedesisyon ko , pati nga pag isip ko para sa sarili ko, nakalimutan ko na. Bukambibig ko sya at laging nasa isip. Sige, kung ayaw mo na , at naaabala na kita, sabihan mo lang ako, sabihan mo lang ako, ako na lalayo. Hindi ung unti unti mo pa na ipinadadama sakin na wala akong halaga. Pag kat ngayon pa lang, pakiramdam ko, akoy wala.

Pero bakit ganun? Pag gising ko sa umaga, hanap hanap na naman kita? 🙁