Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Isa, kakaumpisa ko pa nga lang magbilang nakatago ka na.. Dalawa, itinuloy ko pa kahit wala ng kwenta. Tatlo, ikatlo pa nga lang pero alam kong talo na ako..

 

Sa lahat ng laro na nasalihan  ko, ito ang laro na di ko sinalihan pero naglalaro pala ako. Sana kung maglalaro tayo ay sinabihan mo man lang ako. At anong laro nga ba ito? Unahan ba tayong mahulog? Eh bago pa man magsimula ay hulog na ako. Hintayin na lang ba kita dito sa baba o papalitan natin ang laro? Unahan nalang tayong sumuko. Ganun pa rin talo pa rin ako, dahil bago pa ako sumuko narestart mo na ang laro.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


 

Bakit nga ba? Bakit sa tuwing malapit na akong sumuko at malapit na sa game over ay  irerestart mo nanaman yang mga galawan mo, mga galawan mo na sweet, maalalahanin, pagpapakita mo na special ako, mga galawang hindi ko napansin nung una, binalewala ko nung pangalawa at pati ba naman nung pangatlo hinayaan ko pa? Paulit-ulit nalang tayong ganito sa relasyon nating di sigurado. Ano ba to? Ano ba tayo? Kailan kaya tayo aabot sa dulo ng laro, kasi pagod na ako. Di pa pwedeng hayaan mo ng ma-game over at end game na to? Kasi simula pa lang naman nung laro ay talo na agad ako.

 

Naglalaro pala tayo, sana sinabi mo para nakapaghanda ako.

 

Send me the best BW Tampal!

* indicates required