Sanay akong mag isa, sanay akong sarili lamang ang laging kasama. Tapos dumating ka pinaranas mo sa akin na di ako nag iisa, na ako ay mahalaga at sa kabila ng magulo kong mundo palagi kang nadyan hindi ako iniiwan. Palaging kong pinipigil na may maramdaman. Ayoko naman talaga dahil kaibigan kita.  Ngunit ako ay naging mahina sa tagal ng panahon na araw-araw tayong magkasama ako ay sumugal, hinayaan na ang sarili na mahulog kahit na alam ko na kailanman ay di mo ako sasaluhin. Sa kabila ng aking pag sugal nalimutan kong ihanda ang sarili ko. Biglang dumating sya. Kaya heto ako sa dulo nawawasak ako ng dimo namamalayan. Nagmamakaawa sa mga panalangin na sana pag gising ko wala na akong nararamdaman sayo, Sana naibabalik nalang ang nakaraan para ikaw ay naiwasan, Sana alam nalang ng puso na kapag hindi pa para sayo yung tao hindi muna sya iibig dito. Sana dumating na yung panahon na maging malaya ako sa pagkakabihag sa damdamin ko para sayo. Sana…