Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.
Miss kita. Bawat oras, bawat araw. Sa aking pag-iisip ikaw ang sinisigaw. Miss kita. Ang iyong mata, ang iyong labi. Ang iyong yakap na sa akin ay nagpapangiti. Miss kita. Lalo sa panahong wala ka. Malayo tayo sa isa't isa. Ako ba'y namimiss mo rin ba? Miss kita. Puso ko'y hanap ka. Diwa ko'y mga alaala natin sinta. Miss kita. Ngunit ako'y walang magawa. Kundi pagmasdan ang mga larawan. At gumawa ng tula sa ating talaarawan.