Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Nikko,
I hope u have time to read this. Alam kong mahaba pero pls basahin mo hanggang dulo. Please play the song BAWAT PIYESA by MUNIMUNI. That’s my song for u.

I dunno how start basta nandun na lang ako sa point ng buhay ko na nawalan na ako ng gana sa lahat. Nakita ko na lang sarili ko 2 am umiiyak sa kama mag-isa. When u cheated on me, I know na that is the end of our relationship. Oo alam ko yun na wala na eto na yun nasa dulo na tayo. Ito na yung katapusan.

When u left me, di ko alam kung saan ko unang pupulutin sarili ko. Di ko alam kung saan ako magsisimula. Sobrang gulong gulo ako. Gumuho mundo ko. Ginawa kasi kitang mundo. Nawala lahat ng mga plano natin. Lahat ng memories natin nag flashback sakin. Nagalit ako. Nagtanong kung saan ako nagkulang, kung saan ako nagkamali, kung kamahal mahal ba ako, kapalit palit ba ako, pangit ba ako. Lahat ng bakit at paano naitanong ko na sa isip ko. Pero ni isa wala akong nakuhang sagot. Kasi alam ko na kahit na sagutin pa yun hindi naman na tayo babalik sa dati.

Nagalit ako sayo sobra to the point na di kita kayang patawarin. Pero alam mo yun sa mga ginawa mo sakin di ko kayang magtanim ng sama ng loob sayo. Dahil my love for you is greater than your mistakes and stupid decisions. That’s why hinahabol kita, pinipilit ko sarili ko sayo. Na baka pwede pang maayos, na baka pwede tayong magsimula ulit, na baka this time magbago isip mo at sumugal ulit tayo. Pero hindi na e ilang beses mo akong minura at pinagtabuyan. When u said to me na naaawa ka na lang, nakokonsensya ka na lang sa mga ginawa mo at di mo na ako mahal, ang sakit sobra. Sobrang sakit parang that time naawa na din ako sa sarili ko. Na nanliliit na ako sa sarili ko. Sabi ko titigil na ako na ang tanga tanga ko na dahil u cheated on me pero ako naghahabol.

Madami akong nalaman sayo, ang dami nilang kwento sakin. Kaya naisip ko na kelan ka ba naging totoo sa relasyon natin? Na minahal mo lang ba ako dahil wala kang choice at ako ang kailangan mo that time? Kaya mas naniwala ako sakanila tungkol kay V at sayo dahil never kang naging totoo sakin about kay V. Na after all siya pa din gusto mo, ano bang meron dun? Ano bang meron sa kanya na wala ako? Alam mo gusto ko na lang talagang magalit sayo pero wala e di ko kayang magalit. Di ko kayang magtanim ng sama ng loob. Alam mong di ako ganun Nikko, kilala mo ako.

Tapos ito na naman nakita ko na naman sarili ko na umiiyak. Binalikan ko mga nangyare satin, mga alaala, mga masasayang alaala. Parang kelan lang ikaw laging kasama. I didn’t imagine myself na nandito ako sa posisyon na ganito. 3 fucking years is full of fucking memories. Tangina ang dami natin alaala. From qcpu moments to unang date sa moa, yung dinalhan mo ko ng ginataang mais after defense, mga hintayan sa jeep pa-blumentritt hanggang sa kasama na kita umuwi sa bahay, aabutin ka ng 12 ng gabi sa bahay tapos hatid sa edsa, hanggang sa natutulog ka na sa bahay hindi lang isang araw kundi madaming araw na, mga biglaang moa, naligaw pa nga sa makati at alabang, piso net para lang makapag usap, keypad na cp ang bumuhay satin dati, movie marathon, food trips, mga mahahabang lakaran, panunuod ng sine, manila, museums, mga ganap twing birthday mo at birthday ko, up fair, concerts, opm bands, vans, converse, make love at 5 am in the morning and everything in between, cuddles, yakapan habang natutulog. Para na nga tayong mag live in dahil every week at wala kang pasok sakin ka umuuwi. Ang dami pa sobrang dami at lahat yun nagflashback sakin ng sobrang bilis. Tangina ni minsan ba naalala mo lahat ng yun?

Pero that 3 fucking years is the best years of my life. You gave me forever sa loob ng 3 years. Wala na akong pake kung naging totoo ka ba sakin kasi ako naging totoo ako sayo. My intention for you is true and pure. Wala akong pagsisisi dahil sobrang saya ko sa mga panahong yan. Binigay ko lahat ng meron ako. All out ako sayo. I invested my time, money, effort and love. Kasi sobra kitang minahal Nikko. Minahal kita ng buong buo. Kaya nung nawala ka nahirapan ako ng sobra.

Pero it’s all in the past now. Ito na yung present natin that’s why little by little I accept the fact na tapos na kwento natin. Natuturuan din pala ang puso na umalis at umayaw. Never akong napagod na mahalin ka, Nikko. Never kitang sinukuan at binitawan. Pero ngayon I needed this kaya I’m setting myself free from u. Since the day that we broke up lagi kitang pinagppray kay Lord. Pinaubaya na kita sa Kanya.

Sobrang proud ako sayo kasi ang layo na ng narating mo. Saksi ako sa progress na nangyare sayo, sa hirap, sa iyak, sa mga self doubt, sa saya, sa lahat. I know na hindi ka ganyan because u are meant for more. I know na magbabago ka din. Kasi kilala kita. Kilala kita higit pa sa inaakala mo. Sabi mo nga sa fb bio mo “better than u know”.

Thank u ha we had a great time together. We really do. Sorry din tao lang din nagmamahal at nasasaktan. Sorry kung naging kulang ako sayo Nikko. Eto lang kasi ako tunay na pagmamahal lang kaya kong maibigay sayo. Napatawad na kita. Napatawad ko na din sarili ko. I’m gaining myself back. Mag iingat ka always, Nikkoko, My Engineer. Galingan mo lagi. Thank u for not choosing to stay.

Sabi nila kung tayo, tayo. Gagawa daw ang tadhana ng paraan para mahanap natin ang isat-isa. But for now can u promise me one thing? Na kahit anong mangyare, hindi mo na ako babalikan pa. 🙂

Letter toh for u, it means I’m setting myself free from u at sa mga alaala na meron tayo. Hindi mo kailangan magreply or what coz’ I’ll delete u entirely in my life. Ayoko na makarinig ng kahit na ano sa’yo. I want peace and I want to be genuinely happy again. I wish u all the happiness in life, Nikko. Good bye.