Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Wait for the right time, I know this may sound cliche and difficult at the same time. But, trust me when I say, waiting reveals what true love is.

Love is patient, this may sound cliche too. But it’s true and I will share to you my learnings while waiting.

As I wait, God is speaking. And I am becoming wiser in the aspect of dating and relationship. That even though you really like someone in the wrong time, makakaya mo paring maghintay.

Just to  give you an overview of my season, I am still in the waiting season,but I knew someone that I really like. I am guarded though and I’ve been controlling my emotions.

So here are the things God taught me while waiting.

1. God taught me what true love is

Love is a Choice

Hindi  emosyon ang basehan para ikaw ay pumasok sa isang relasyon. Hindi ito sapat, though factor ito, but it won’t sustain the relationship in the long term.

I really like someone and there’s a chemistry (intellectual and emotional) between us. We have the same level of humor.We have things in common and same frequency. Pero habang tumatagal nagbabago ang feelings, kung dating  10/10 pwedeng bumaba yan hanggang 2/10.Darating ang araw na  mawawalan ka ng gana, tatamarin at magsasawa kasi parang paulit ulit nalang ang nangyayari at magdududa ka sa iyong nararamdaman dahil yung feelings mo ay hindi na katulad ng dati at mapapatanong ka sa iyong  sarili kung mahal mo ba talaga siya. Kahit gaano pa kayo ka compatible sa isa’t isa magbabago at magbabago ang feelings niyo sa isa’t isa. And that is normal, you just need to handle it wisely.Respond with love and grace in all circumstances.

That’s why don’t enter into a relationship if you are not ready sa commitment kasi love is a decision. Na kahit magbago pa ang feelings mo, pipiliin mo parin ang magmahal at hindi basta basta bibitaw.Nasaktan man ang damdamin,pipiliin mong magpatawad at umintindi.Naturn off ka man,tatanggapin mo ang imperfections niya. To summarize, see 1 Corinthians 13:4-7.

2. God taught me how to wait and what waiting really means

Love is patient

I am praying to God ng someone na pasok sa standards ko, noong nakilala ko siya, I assumed na siya na, pero it doesn’t work that way pala. Waiting means, waiting for God’s will not your will.Hindi porket gusto niyo ang isa’t isa ay kayo na ang para sa isat isa.Hindi porket pinagpray mo naman,eh siya na. You need to seek God’s approval padin.You need to pray and ask if siya’y God’s sent and God’s time na. Trust me, God answers.

Mas lalong hahabaan ni God ang waiting season mo hanggat hindi mo natututunang maghintay nang tama.

3. God taught me to pray and what to pray

Love is not self-seeking

Usually when we pray, we ask what we want.If I am going to assess my prayer life last year, ’twas selfish!Kasi I prayed for what I want and wish to happen and I disregarded  God’s want for me. (Don’t get me wrong, you can still ask God for the things you want,pero just check your heart. Baka nagiging selfish kana and baka may idolatry na nangyayari.

Part of waiting yung madiscourage, malungkot, madisappoint and masaktan kasi you have set expectations sa mind mo na hindi nagmaterialize.
Noong naramdaman ko tong mga ito, narealize ko na I am praying in the wrong angle pala with wrong condition of heart. I am very insistent sa kung anong gusto kong mangyari without considering sa plans ni God for me. I did not  fully surrender kay God kasi I am afraid to pray for his will to be done.Because I am afraid to be hurt. I don’t have the courage to accept na yung plan niya is different from mine.

4. God taught me to trust Him

You can’t really wait kung wala kang trust kay God.
Kasi if you trust God, He makes your waiting season comfortable. He gives you hope and peace para magpatuloy. Lalo na’t it’s a human nature to get impatient easily and make decisions out of impulsivity.

As I wait, God showed me how good He is in orchestrating things, na He is really a sovereign God.

As time passed by, little by little maintindihan mo kung bakit ka naghihintay. Kung bakit mas pinapatagal ni God ang paghihintay mo.Dito mo masasabe na God is true to His promises at papasalamatan mo siya. Sasabihin mo sa sarili mo na buti  nalang hindi ka nagpadala sa emosyon mo.Hindi ka naniwala sa mabubulaklak na salita. Hindi ka nakipagpuyatan sa walang kwentang usapan. Hindi ka nakipaglandian at hindi mo pinasok ang maling relasyon na walang kasiguraduhan at patutunguhan.Na buti nalang naghintay ka sa tamang panahon.

5.God taught me self-control

One of the things that is hard to control and manage is our emotions, but by God’s grace, we can!

By God’s enabling grace we can still build a pure friendship outside romantic zone with someone we really like. I learned how to see someone I like as my brother in Christ. That though you have feelings for someone you can still pursue holiness and not out of lust.You can still love them with the love of the Lord.

God gave me eyes to see someone I like with respect. He taught me how to communicate without bringing confusion. And to love someone with right intention.Because love is always a choice and has no condition.