My Long Term Crush
Categories Short Story

My Long Term Crush

Hindi ko akalaing dadating yung araw na to. Araw na makakausap kita, makakakwentuhan,magiging kaibigan.

…13 years ago nung nagkaroon ko ng crush sayo. 2nd year highschool ako at nasa 3rd year ka. Magkatabi yung classroom natin nun.
Naririnig ko pa yung iba kong kaklase may crush rin sayo. Sympre, para hindi ako asarin, I kept it. Oo hindi ko pinaalam na my crush din ako sayo.
Tsaka kahit naman malaman mo, di mo naman ako mapapansin nun dahil hindi naman ako kapansin pansin.
Masaya na kong nakikita ka araw-araw.
Kahit sa malayo lang, ang saya ko pag nakikita kita.
Pag akyat ko ng 3rd year at ikaw naman ay graduating, malayo na yung classroom natin, madalang na kitang makita.
Minsan nga, hindi na talaga.
Hanggang sa naka graduate kana at hindi na kita muling nakita.

Pero sa tulong ng social media, isang araw pumasok ka isip ko sa di ko malamang dahilan, college na ko noon. Nalaman kong nag aaral ka na sa isang Maritime School. At yun nga, finally I was able to glimpes a part of your life that time. Ikaw pa rin yung high school crush ko. Hindi ka pa rin nagbago.
Pero di kita in-add. Wala. Nahihiya ako. Kaya naging stalker mo lang ako. Pero natapos din yun kasi alam kong mali yun at meron na rin nag mamay-ari sakin nung panahong yun.

After 10 yrs, nag prompt ka ulit sa social media account ko, hanggang sa naging magkaibigan na tayo doon.

Hindi ko akalaing dadating yung araw na yon. Araw na makakausap kita, makakakwentuhan, magiging kaibigan.

To be honest never sumagi sa isip ko that one day I will be able to talk to you. Kasi wala naman tayong close friends that will be able to lead you to me, or me to you. As in wala talagang paraan.

But finally,hindi lang tayo pinagtagpo ulit, we became good friends this time. Alam mo yung pakiramdam na close siguro tayo sa past life natin, tapos ngayon lang ulit tayo nagkakilala.
Yun nga lang, meron pa rin wall that separates us.
Pinagtagpo na tayo this time, but we are not meant to be more that what we have right now. Dahil we were both in a long term relationship already. Parehas na tayong nagmamahal at may minamahal.

Pero you know what, I am very thankful that I got the chance na makilala ka.
In life, you will be only given a few chances to be friends with someone you admire so much. Yung iba nga hindi talaga nabibigyan ng pagkakataon. At hindi rin sa lahat ng pagkakataon, nasusuklian yun.
Kaya sapat na sa akin kung ano meron tayo ngayon.
Maybe this is what they call pinagtagpo, pero hindi naman tinadhana.
Pero somehow, okay na rin, pinagtagpo tayo dahil nakatadhana tayong maging magkaibigan, dahil destiny knows na dito tayo mas tatagal.