Sa dami ngayon ng nahuhumaling sa kdrama at isa naman ako doon, nakikita rin natin ang iba’t ibang klase ng oppas. Oppa ang tawag sa mga kasintahang lalaki o di naman kaya’y mga gwapong lalaki sa bansang Korea. Aminin man natin o hindi, nahuhumaling talaga tayo sa kanila. Pero minsan ba naisip mo sino ba talaga ang magiging oppa ng buhay mo?
Nagiimagine ka rin na sana someone handsome and charming like Song Joong Ki, Hyun Bin, Lee Soo Hyuk, Ji Chang Wook at marami pang iba pero sa totoo lang hindi talaga katulad nila ang magiging oppa mo. We tend to make illusions of who we want to end up in a relationship but reality strikes.
Ang malala pa minsan, yung standards mo sa lalaki, itinataas mo tulad ng mga napanood mong oppa sa kdrama. Sis, okay ka lang? Kung kailangan mong mahimasmasan, nandito ako para ipaalala sa iyo na ang konspeto ng pagpili ng makakarelasyon ay nasa Bible. Pero bago ka mamili ng oppa mo, ikaw na ba ang babaeng tinutukoy sa Proverbs 31?
Ang labanan dito ay kung ikaw ba mismo karapat-dapat kang piliin? Ikaw na ba ang Rachel ni Jacob? Ruth ni Boaz? Rebecca ni Isaac? Ang ibig sabihin ko rito ay naabot mo na ba ang standards na hinahanap ng isang oppa sa iyo? So better examine and check yourselves first, ladies.
The right and real oppa will come if God already sees the qualities in you. The quality that will please Him. Take note also na ang papayagan lang ng Diyos na makilala mo ay ang lalaking tutulong sa iyo magmature lalo na sa spiritual aspect. Yan ang asamin mong oppa ng buhay mo. Kaya simulan mo na manalangin ngayon at ilinya sa standards ni Lord ang future oppa mo. Hindi lang basta looks and appeal but the man of your prayers. The man after God’s own heart.
By the way, the real oppa of my life is JESUS. (Sana ikaw din)