Mahal, kumusta ka na?
Kakantahan sana kita, haharanahin, pakikiligin.
Habang buong puso kong tatapatan ang nakakatunaw mong tingin.
Binabasa ang majica sa iyong mga mata hanggang sa, sa ibang dimensyon ako mapunta.
Pero naalala ko,
Hindi na nga pala tayo magkakilala.
Wala nang makukulay na paru-paro;
Wala nang halimuyak ang mga bulaklak;
Ang dating banayad na haplos ng hangin, ngayon ay sinusunog na ang aking balat;
Wala nang ulan, tuyo na ang karagatan.
Ang dating mundo kong naging halimbawa ng isang paraiso,
Sa isang iglap ay naging isang malawak at malungkot na disyerto.
Dahil isang gabi, nanaginip ako na may iba ka nang kasama;
Sinabi mo pa ngang “hindi ko yan kilala.”
Sa sobrang sakit, pati sa panaginip ako ay lumuha.
Kinabukasan, nagising ako na hindi mo na ako kinikilala.
Mas masakit pala,
Nagising nga ako pero hindi mo na ako kilala.