Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.
Hindi ko alam kung paano sisimulan ito
At mas lalong hindi ko alam kung matatapos ko ito
Pero sisimulan ko sa pagpasok ng 2018 sa buhay ko
I live in the slums of Bagumbayan and my life there is poor and it’s very sad. CHAROT!
Ang unang tatlong buwan ng 2018 ko ay madugo
Dahan dahan nitong inubos ang lakas at ang buhay ko
Nariyang nawalan ako ng boss na itinuring kong tatay ko
Sinundan pa ng masamang balita sa trabaho ko
Hindi nakaka-healthy yung mga pangyayaring yon
Pero humagupit pa ulit si tadhana ng sobrang lupit
Akala ko makakapagsuot ako ng puting damit
Ngunit akala ko lang pala yon, hindi pala ako maikakasal sa 2018
While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:
Hindi talaga nakakatuwa na sunod sunod yun dumating sa buhay ko
At mas lalong hindi nakakatuwa dahil pakiramdam ko mag-isa lang ako
Kung nabibilang lang ang luha ko, Marso palang kotang kota na ako
Gusto ko nalang talaga malagutan ng hininga non
Pumapasok ako sa trabaho nang parang walang buhay
Umuuwi ako ng bahay para lang mas lalong malumbay
Basta parang nakakaumay nalang talaga mabuhay
At ang tingin ko sa mundo ay wala na talagang kulay
Sa ikalawang bugso ng 2018, nagbago ako ng pananaw sa buhay
May pag life verse pa ko nang Proverbs 4:23
Above all else guard your heart for everything you do flows from it
Pina tattoo ko pa yan sa dibdib ko
In short, kinulong ko ang sarili ko para protektahan ang puso ko
Lumalabas lang ako ng bahay para pumasok sa trabaho
Nilibang ko ang sarili ko para lang makalimot ako
Kung ano anong libro na ang binasa ko, at akala ko okay na ako
Akala ko lang yon, dahil ramdam kong may kulang pa rin sa buhay ko
Isang bagay nalang ang hindi ko pa nagagawa na alam kong makakatulong sakin
Pero nahihiya at natatakot ako, dahil sino ako para bumalik sa tinalikuran ko?
Nagpatattoo pa ko para maalala ko kung Sino ang nag iisang tumanggap sakin nung wasak na wasak ako
Pero, sino ako para bumalik sa Kanya na tinalikuran ko nung ibigay Niya yung hinihiling ko?
Hindi ko alam kung paano pa susundan ito, pero isa lang ang natatandaan ko
Tinanggap Niya akong muli, arms wide open pa
Niyakap Niya ako at sinabi sa akin na,
“Anak hindi ka nag-iisa”
Sa piling Niya, nakaramdam ako ng comfort and protection
At sa tulong Niya, unti unti Niyang iminulat ang mata ko sa katotohanan
Kung paano at bakit nangyari ang lahat ng yon, dahil mas maganda ang Kanyang plano
At simula nung araw na yon, inialay ko na sa Kanya ang puso ko at buong buhay ko
Sobrang sakit mamulat sa katotohanan
Ngunit kalakip nito ay ang kalayaan
Pangako Niya sa akin ay walang hanggang kasiyahan
At nanatili lamang Siya sa tabi ko para ako ay samahan
Isang patotoo ng kabutihan Niya sa akin
Isang tao lamang ang inalis Niya sa aking buhay
Pero pinalitan Niya ito ng isang pamilyang kaya akong tanggapin
At masasabi kong, ang mundo ko ay muling nagkaroon ng kulay
Patuloy Niyang binabago ang pananaw ko sa buhay
Noon sa lambanog ako napupuyat, ngayon sa fellowship na ko inuumaga
Noon nagpapakalunod ako sa alak, ngayon sa presenya na Niya ako nagbababad
Noon pinapabayaan ko ang sarili ko, ngayon pinapahalagahan ko na ang buhay ko
Napakadami pang aspeto sa buhay ko ang patuloy na binabago ng Lord sa akin
Pero kung aking iisa isahin, ay baka matapos na ako sa 2019
Ngunit babanggitin ko itong paghawak ko ngayon sa mikroponong ito
Dahil ang totoo ay mahiyain ako, at takot ako sa mikropono
Wala akong maisip na salita para mai-describe ang kabutihan ng Panginoon sa buhay ko
Napapa THANK YOU LORD nalang talaga ako kapag naaalala ko ito
Ako na yung bagong Mia version 7.0 dahil sa Lord
At ang pinakamagandang plot twist with a heart sa buhay ko ay ang nakilala at tinanggap ko si JESUS.
Thank You Lord.
God Bless us all. 🙂