Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Sa aking paglisan, huwag sanag isipin na ika’y aking iniiwasan.

Ikaw ay aking lilisanin dahil ayaw kong lungkot iyong maranasan.

Sa aking paglisan, matapang mo sanang harapin ang kinabukasan.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Sa aking paglisan, damhin mo ang ganda ng inang kalikasan.

 

Kahit ako’y lilisan, pagmamahal sayo kailanman hindi mababawasan.

Sa aking paglisan, masasayang ala-ala ang aking dala na kahit ginto hindi kayang tumbasan.

Sa paglisan kong ito, masakit para iwan ang taong naging aking kalakasan.

Sa aking paglisan, lagi mo sanang isipin na, pagmamahal sa’yo ay lubusan.

 

Sa aking paglisan, huwag mo sanang isipin na ito na ang katapusan.

Sa aking paglisan, hahayaan ko na ang tadhana ang magtakda para satin ng orasan.

Sa aking paglisan, sana tayo ay magkasalubong sa daan na ang isa’t isa’y hindi iniiwasan.

Dahil kung mangyari man iyon, mga luha mo’y aking pupunasan at sasabihing, harapin na natin ang bukas ng walang atrasan.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required