kailan ka darateng?
Kailan ka darating?
Pwede na ba kita asahan?
Sa tagal Kong nag iisa, nasa punto na ako ng pagtatampo..
Hinahanap ka nila sakin, inaasahan nilang merung ikaw sa akin.
Sa tuwing ako’y tila pulang gumamela ikaw daw ang dahilan
Mga ngiti nilang pate mata’y kumikinang sa imahinasyon tugma sa akin.
Nauna pa silang sumaya sa isiping tama ako para sayo,
Pumangalawa pa ang pag tataas bangko nilang panalo ka saakin
Ngunit tila yata iba ito sa nararamdaman ko..
May mali ba sa’kin ?
May kulang ba sa’kin?
Anu bang merun sila na wala ako?
Ganda? Napintas kung ako ay tawagin
Talino? Sa bulwagan ng katarungan ang nais kong mamahay
Katawan? Imahe ko’y umaayun sa kapaligirang asul sa tirik na haring araw.
Puso? Sobra sobra para magkasya ka.
Hindi naman ako naghanap, lumipas na ang maraming taon .. Patuloy akong naghintay sa kusa mong pagdating. pero tila yata.. Ayaw mong dumating..
Nakahiling ka na ba sa bituin?
Gusto ko ng pihitin ang makina ng tadhana baka sakaling dalhin ako sa araw kung Saan dadaan ka at mapapasakin.
Kailan ba? Asan ka?
May gusto Sana akong sabihin..
Maaari ba sa pagdateng mo Wag ka ng aalis..
Maari Bang ako lang? At ako na para sayo.
Maari bang maging kasiyahan mo kahit wala akong ibigay na dahilan para mahalin mo.
Pwede bang maging sapat ako sayo kahit sa araw na kulangin ako.
Pwede ba sa paningin mo nasa’kin na lahat Pate ang puso mo.
Pwede bang piliin mo sa mundong mapagkumpara.
Pwede bang manguna sa puso mo sa mundong mapagkupetensya.
Pwede bang manatiling tamang tao para sayo, sa mundong sanay sa “mas karapatdapat”
Pwede bang patuloy mong pangarapin, pangako ako’y saiyo’y ganun din.
Malalim na ang Gabi, at ang mundo’y himbing na rin.
Tila yata kulang pa ang kinang ng mga bituin, para sa tadhana’y makahiling, Naway magtugma ang bituin ng panalangin mo at ng akin baka sakaling tayo na ay pagharapin.