NAKAKAPAGOD RIN PALA

244
NAKAKAPAGOD RIN PALA

Sa sitwasyong lumalaban pa
Bawat segundo,minuto, araw na nakalaan
Mga hinanakit na tila kinakaya
Katawang bumabagsak
Mga mata’y mapupungay
Luha na pumapatak
Gabi’y lumalalim
Alaala tila nagpapaalala
Na
Mahal pa rin kita
Ngunit
NAKAKAPAGOD RIN PALA
Patuloy lang habangbuhay
Kahit ikaw na lang ang bumubuhay
Punas luha
At nandito pa rin
Nandito sa dating pwesto
Kung saan nabuo ang “Tayo”
Ngunit nakakapagod rin
Kung isa na lang ang lumalaban
Maya’t maya naaalala
Hinanakit na hindi na kaya
Mga mata’y mugto
Agos ng Luha’y tila’y umuulan
Gabing palalim ng palalim
At nagsasabing kahit masakit
Nakakapagod subalit patuloy aanihin
Hanggang dulo, hangga’t kaya ko
Hanggang sa nararamdamdam ng puso’y
Mahal ka pa rin.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required