NAKAKATAKOT BUMAGSAK SA MUNDONG ANG TANGING NAIS AY MAKAAHON

ang totoo’y takot ako, takot talaga ako.

takot sa daang natatanaw ko dahil hindi ako sigurado kung tama ba ‘to? kung saan ba ‘to patungo, kung angkop ba ‘to sa mga plano.

o baka,.. natatakot akong tahakin ‘to dahil nais ko palagi ng kasiguraduhang hindi ako babagsak sa daang tatahakin ko.

takot akong bumagsak dahil ayokong sabihing mahina ako, ayokong kwestyunin ang mga kakayahan ko. dahil bago sa akin ‘to, dahil ito yung unang beses kung susubukin ang pagitan nang “pag-angat at pagbagsak” sapagkat sino ba naman ang gugustuhing bumagsak sa unang pagsubok sa gawaing nangangapa ka pa’t ‘di alam kung malakas o mahina ka ba?

ANG TOTOO’Y AYOKONG BUMAGSAK SA UNANG PAGSUBOK DAHIL TAKOT AKONG BAKA SA UNA PALANG MAHIRAPAN NA AKONG BUMANGON.

Exit mobile version