Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Akala ko ba tayo hanggang dulo
Bakit ngayon ikaw ay nag bago
Akala ko ba sabay tayong lalaban
Bakit iniwan mo akong nahihirapan.

Araw gabi ikaw ang aking nasa isipan
Di ko ma iwaglit ang iyong larawan
Naka ukit na sa aking puso ang iyong ngalan
Ngunit ako ngayon ay iyong sinaktan

Di ko mapigilan balikan ang ating mga ala ala
Na para bang wala ng halaga at pinabayaan mo na
Mga masasayang ala ala na ngayon ay naglaho na
At alam kong hindi na mababalikan pa.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Ikaw ang bumuo sa akin
Na hindi ko inakalang sisira din sakin
Dahil akala ko ay ikaw na ang tunay na mamahalin
Ngunit ikaw pala ay hindi para sa akin.

Siguro nga ikaw ay hindi nararapat para sa akin
Kaya ang mga luha ko ay hindi na lang sasayangin
Para sa katulad mong walang ibang kayang Gawain
Kundi saktan lang ang aking damdamin.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required