Categories Relationships

Nawala Pero Hindi Nagpaalam

Ikaw ‘yung tinatawag ko na “My Unspoken Goodbye”

Sobrang dami nating napag-usapan.
Ano ang paborito kong pagkain.
Ano ang paborito mong movie.
Humingi ka pa nga ng payo sa akin.
Kung anu-ano na lang ang topic, ‘di ba?

Pero nung nawala ka, hindi ka man lang nag-informed.

Andami mo ng alam tungkol sa akin.
Andami ko ding nadiskubre tungkol sa’yo.
Mga bagay na nakakatuwa at nakakainis din minsan.
Andaming kwentuhan na naganap at oras na inilaan sa isa’t isa.

Pero nung nawala ka, hindi ka man lang nagsalita.

Ikaw ‘yung taong madaldal pero may sense naman kausap.
At ako naman ang minsa’y napipikon kapag inaasar mo.
Ang saya ng samahan natin ‘di ba?
‘Yung natutunan kong magtiwala muli nang nakilala kita.

Pero nung nawala ka, hindi ka man lang nagparamdam kahit PM man lang.

Natanong ko tuloy ang sarili ko kung may mali ba akong nagawa?
O baka may pinagdadaanan ka na ayaw mo lang malaman ko?
Andaming tanong ang nabuo sa isip ko.

Baka may iba na ba sa puso mo at hindi na ako?

Nung nawala ka, hindi ka man lang nagpaalam. Paano ko ngayon tutuldokan ang pahina sa kwento natin kung hindi ko alam kung bahagi ka pa rin ba ng kwento, o ikaw ay ISANG PAHINA sa kwento na dapat ay PINUNIT ko na?

Prev Why i Choose To Let You Go
Next Nagmahal. Nasaktan. Minahal ang Sarili.