Gising, ahon
Wag mong hayaang mahulog ka sa matarik na talon
Pilitin mong umahon
Mula sa pagkalunod sa iyong emosyon
Lagaslas ng tubig
Tila manipis na tinig na sayo’y kumakabig
Gising, ahon
Malapit na ang talon
May taas itong mala-Canlaon
Baka’t mahulog hindi na makaahon
Sa agos tila nasanay na
Nakampante, nagpalutang lutang sa pangamba
Gumaya sa iba
Nagpatangay sa agos ng pagkabalisa
Mga bato’y sinikap na gisingin ka
Bawat umpog, bawat sugat, tila manhid na
Lagaslas ng tubig, patuloy na bumbulong
Gising, ahon
Sarili mo lang ang sayo’y makakatulong
Tanaw na ang matarik na talon
Ang hangin ay nakiayon
Malamig na haplos sa iyong balat
Pumukaw sa natutulog mong ulirat
Kagyat idinalat mga mata,
Mabilis nagpapalaspas ang mga paa,
Nilabanan ang agos ng galit, pagpapaimbabaw at pangamba
Sariling kamay at paa lamang ang lalaban sa agos na sayo’y nagdadala