Now What?! Ano Na?!
Categories Contribution

Now What?! Ano Na?!

Ito na naman po tayo, nararanasan na naman ang mga bagay na dati nang nangyari….

Bagyo / Baha/ Land Slides/ Flash Floods

Bago lang ba ito? Parang laging gulat ang mga nasa posisyon (Barangay, Municipal, Provincial, Regional Officials and Government Agencies) kapag may mga nangyayaring mga ganitong sakuna sa mga lugar na kanilang nasasakupan. Binibilang lang ang mga casualties para ibalita. Kino-compute lang ang mga nasirang ari-arian. Palala ng palala ang epekto.

Nung walang bagyo, anong ginawa niyo? Anong improvement ang ginawa niyo? Anong yung mga sakunang nangyari noon na hindi na “dapat” nangyayari ngayon o mangyayari sa mga susunod na panahon? Sana yun ang bilangin at ibalita, sana yun ang ini-estimate ninyo. Ipakita niyo na karapat dapat kayong sweldohan ng mamamayang Pilipino.

Gosh, TAX! Nababaon na nga sa utang ang mga manggagawang Pilipino, tapos may mangyayari pa mga ganitong “Natural Calamities” na “PWEDE” naman hindi ganito kalaki at kalala ang epekto sa kabuhayan ng karamihan.

Walang BAHA kung … (try mong ituloy)

Diba? Iisa lang ang dahilan kaya may baha? “NO COMMON SENSE”

Leave a Reply