Hi Mahal,

 

Hindi sa nagmamadali ako o minamadali kita, pero OO mo nalang talaga ang hinihintay kong sabihin mo.

ano ba kasing benipisyo ang makukuha natin sa OO mo??

 

(v.v)-vice versa

  1. Di na tayo simpleng mag M.U lang, meron na tayong label na pinanghahawakan sa isa’t isa..
  2. Maipapakilala mo na ako sa mga magulang mo (v.v)
  3. Magiging Legal na tayo sa kanila..
  4. Pwede na ako pumunta sa bahay nyo anumang oras na gustuhin ko (v.v)
  5. Pwede na kita asikasuhin tuwing may sakit ka, Puntahan ka sa inyo kapag may toyo ka, ipaluluto ka ng mga pagkaing gusto mong ako ang nagluluto para sayo
  6. Ihatid sundo ka tuwing gagabihin ka ng uwi
  7. Matulog katabi mo, yakapin ka, at halikan ka\
  8. Mag road trip san mo man gustuhin, at marami pang iba

Alam ko namang nagho hold back ka pa sa pasts mo, pero wag ka mag alala, andito naman ako para tulungan ka, alalayan ka, kasi nga mahal na mahal kita.

 

mahal kita to the point na kahit lagi kang mood swing, toyoin sa umaga, sweet sa gabi, minsan baliktad.. MAHAL PARIN KITA..

nang aaway ka bigla ng walang dahilan.. MAHAL PARIN KITA

kahit pinipikon moko, ang kaso ikaw yung nagagalit kasi di ako napipikon sayo, wala e, MAHAL KITA E..

Binansagan mo na nga akong Mr. Understanding of the year hahaha.. hinihintay ko nalang yung sash.. hahaha..

 

Hi Mahal.. I Love You..I Love You na parang pag inom ng Gamot..

I Love You 3x a day, 7days a week.. =D

 

 

MgaSulatNiKuya