Current Article:

Oo pareho tayo ng Diyos, pero magkaiba tayo ng paniniwala.

Oo pareho tayo ng Diyos, pero magkaiba tayo ng paniniwala.
Categories Faith

Oo pareho tayo ng Diyos, pero magkaiba tayo ng paniniwala.

Nagmamahal. Minamahal. Nagmamahalan. Oo ok tayo. Mahal natin ang isa’t isa. Nagkakasundo tayo sa lahat ng bagay. Ok ako sa family mo, ok ka sa family ko. Masaya tayo. Wala tayong problema.

Pero mahirap. Sobrang mahirap. Akala ko ok lang. Akala ko kasi ok lang hindi i-open. Akala ko hindi na dapat pag-usapan pa. Ayoko sanang pag-usapan pa natin. Pero darating yung oras na kailangan dahil may mga bagay tayong hindi napagkakasunduan. Oo pareho tayo ng Diyos, pero magkaiba tayo ng paniniwala.

Hindi maiwasang sabihin ko sayo ang paniniwala ko, at ganun din ikaw. Gusto kong paniwalaan mo ako, gusto mong paniwalaan kita. Pero hindi tayo nagkakaintindihan. Hanggang sa nagsawa akong magpaliwanag. Pero mahal kita. Mahal na mahal. Ikaw ang dalangin ko noon pa man. Ikaw ang gusto kong makasama habang buhay. Ikaw lang. Ayokong mawala ka.

Pero bakit ganon? Kahit anong pilit natin ay tila hindi umaayon sa usapan. Pareho tayong may dapat gampanan at nasasagasaan ang mga lakad nating usapan. Lagi nalang binabanggit, “ Lord, Mahal kita at mahal ko din sya. Anong kailangan kong gawin?”

Pinilit pa din nating iwasang pag-usapan. Pinilit hindi gawin ang mga bagay na hindi makakabuti sa paniniwala ko at sa paniniwala mo. “Wag mo akong papiliin sa inyo ng faith ko, dahil kahit iwan mo ako alam mo kung ano ang pipiliin ko.” Na naging dahilan ng madalas nating pagtatalo. Dahil sa pagmamahal ay nagtiis ako. Kahit na naging on and off tayo. Pinili  kong ibigay sa Diyos ang bigat, ang lahat ng alalahanin. Alam ko sa sarili ko na mas matimbang ang faith ko. Hindi ako napagod magtiwala. Hindi ako napagod ipagdasal ka. Kahit masakit na. Kahit mahirap na. Umasa pa din akong ikaw pa rin at wala ng iba.

Lumipas ang mga taon. Muntik na kitang isuko, naisip kong baka hindi talaga ikaw ang para sakin. Dahil halos isang linggo mo akong hindi kinausap. Ang sabi mo’y magiisip isip ka lamang. Ngunit pagbalik mo’y laking gulat ko nung niyakap mo ako ng mahigpit at sabihing, ” Yung relationship mo kay God, yung pagmamahal mo kay God, nagmanifest yun sayo, inside and out. Nakita ko yun, naramdaman ko yun.”  Hindi ko napigilan ang pag-agos ng luha sa mga mata ko. Eto na yun. Answered prayer. Nagkusa kang tanggapin ang paniniwala ko. Nagkusa kang ibigay ang buhay mo kay God. Naging maayos ang lahat satin. Siya ang naging center ng relationship natin hanggang sa tayo ay naging isa.

Love from God conquers all.”