Current Article:

Open letter para sa mga mandurugas!

Open letter para sa mga mandurugas!
Categories Confessions

Open letter para sa mga mandurugas!

Hi! Katulad mo, makikilala mo din ang taong para sayo. Yung masasabi mong sayo talaga sya, at sakanya ka. Hindi ako matinong tao sa totoo lang. Na akala ng mga taong malalapit sakin eh napaka-tino ko. Maaring katulad mo ako. O kung hindi naman eh, katulad ako ng kaibigan mo o yung naging ka-ibigan mo. Hehe pendong peace tayo jan! Pero di nga? Naniniwala ka ba talaga na ‘Once a cheater, is always a cheater”?

 

Sa parte ko, naging cheater ako, at not just once, but since then. But for now, at this moment, may isang tao lang talaga na sakanya padin ako bumabalik at  ayaw niya din akong bitawan. Maaring naniniwala siyang magbabago ako, kahit na ilang beses ko siyang niloko. Sa limang taon ng pagsasama namin, dalawang beses doon ang cheating moments ko. Pero sa panglimang taon namin, napapansin kong nagbabago nadin ako for better and good. Kahit na nakaka-kita ako ng mga magagandang binibini na may potential na girl next door. Pero hindi! Hindi ko hinahayaang maging marupok ang sarili ko.

 

Pinagdadasal ko nalang na huwag akong mafall, madistract sa kagandahan at matempt na sumundot nanaman.

 

Napaka powerful talaga ng prayers at lalo na kung galing sa mga prayer warriors.

 

Going back, it’s not east to put yourself into the situation na kailangan mo nang magbago for good lalo na kung yung mga bagay na ginagawa mo dati eh nakasanayan mo na.

 

Pero pinapili ko sarili ko, for good or bad? Sempre for good. Then i choose now to stay with her and build what has been destroyed by me before. Ano ano mga ginawa ko para iwas pokmaru? Simple lang:

  1. Dalasan ang pakikipagkita sa partner ko – lumipat ako ng tirahan para mas easy access ang meet-ups and visit sakanya. 15mins walk nalang away from her. Hindi katulad dati na kailangan ko pang sumakay ng habal-habal o fx para makapunta sakanya.
  2. Ginawa kong inspirasyon yung crush ko na instead na sakanya ako maglalaan ng feelings eh sempre ilalaan ko yun sa present partner ko. Diba? Instead na maginvest ako ng time, material na bagay o expenese sa crush ko, edi syempre sa present partner ko na diba?
  3. Iniwasan ko nadin na makipag chat or text mate sa ibang babae. Kasi nung chineck ko yung kanyang messenger lalo na sa mga panahong hindi kami maayos or nagaaway, instead na nakikipag usap siya sa ibang lalake, mga kaibigan niyang babae ang kanyang kausap. So from there, narealize ko na it’s very unfair para sakanya, so i stopped! Stop na mga pre sabi ni P. Duterte, or else, something will happen.
  4. I also tried to be honest and sincere na sakanya. Kung may lakad sa labas with mga officemates or friends, magpapaalam ako ng mabuti at tapat. Sasabihin din ang lahat ng detalye, oras ng alis sa office, oras ng pagpunta, papaano pumunta, anong specific na lugar ang pupuntahan, sino-sino ang mga kasama at lahat lahat. Dapat handa ka din sa cellphone mo, make sure na full battery ka at may load, kasi kapag hindi ka nakapag reply lagot ka. Isa pa, tatawag yan, Kukupit yan ng oras sayo habang nasa kasiyahan ka with other people, kaya make sure na loud and clear din ang volume ng phone mo para marinig mo, lagyan mo din ng vibrate para damang dama mo.
  5. Kung may crush ka man, tumingin ka nalang at sabihin mo sa sarili mo na, “Sorry sis, hindi tayo pwede” o kaya naman “Taken ka hoy, wag kang tumingin-tingin jan” or ang pinakamalupit, “Friends lang tayo”. Try mo! Kasi sakin effective.
  6. Huwag kang sasabay kumain sa crush mo or huwag kang sasabay sa paguwi. Kasi kapag naispottan ka ng partner mo, lagot ka na! Ending na yan!

 

So yun lang.

Nowadays, bumabawi na talaga ako sakanya. Maraming realizations, maraming kailangang gawin para manumbalik ang tiwala. Tiwala na parang tsokolateng natunaw, at hindi na mababalik sa porma kung nasira na talaga.