Alam kong matagal na tayong magkakilala, ngunit hindi tayo ganoon kalapit sa isa’t-isat. Nag-aasaran tayo noong tayo’y hayskul pa. Naging magkatabi tayo noong tayo’y naging Baitang ika-pito. Pero kahit na ang tagal na nating magkakilala, ay parang hindi pa rin natin kilala ang isa’t-isa.
Marami akong mga katanungan sa aking sarili. Isa sa mga iyon ay “kung sana nakilala kita ng husto at naging magkalapit tayo, siguro hindi mo mararanasan ang mga pinag-daanan mong sakit ngayon?”, “siguro, kapag naging bukas lang ang aking mga mata, nakita agad sana kita” Ngunit lahat ng iyon ay pawang mga katanungan ko lang sa sarili ko. Dahil alam ko na isa din ako sa mga loko-loko noong tayo’y nasa hayskul.
Gayunpaman, simula noong pumatong tayo ng ika-sampung baitang, natagpuan kita, na may sugat nanaman muli. Binigay ko sa iyo ang aking mga kamay para ikaw ay tulungang bumangon muli. Nagkaroon tayo ng magandang pagsasama, at dito nagsimula ang pagkilala ko sayo ng husto.
Subalit hindi ko din inaakala na habang tinutulungang kitang tumayo muli sa iyong mga paa, ako ay unti-unti ding nahuhulog sayo. Nagdadalawang isip ako kung dapat ko pa ba itong ituloy o iwan nalang itong pagkakaibigan naten na nasimulan. Pero sinabi ko sa sarili ko na “hindi ko siya kayang iwan” , lalong-lalo na at parang na “love at first sight” ako eka nga nila.
Dati kala ko ang naiisip ko “kaya ko lang siguro nagustuhan ikaw dahil maganda ka” ngunit iba na pala eto. Ako’y nagkamali, dahil habang patagal ng patagal ang pagsasama naten, ang aking pagmamahal sa iyo ay palalim ng palalim. Bagamat ang pag-ibig ko sa iyo ay wala sa tamang panahon.
Umamin ako sayo at binigyan kita ng mga katiyakan na kaya kong panghawakan. Ngunit, parang ang mga ito ay hindi mo pinahahalagahan. Kaya ngayon, oras na para piliin ko muna ang aking sarili. Maraming salamat sa lahat ng mga alaalang naibigay mo sa akin at nagawa nating dalawa.
Tandaan mo to, naging sayo ako, aking sinta. Kung tayo man talaga ang para isa’t-isa sa huli, ay sa Diyos nalang ako aasa dahil alam kong ang aking puso ay ligtas sa kanya.