Parang Kahapon Lang

34

Parang kahapon lang ay masaya pa tayo. Hindi maubos-ubos ang mga baong kwento at tawa, halos hindi mapaghiwalay, at palaging nabibitin sa bilis ng takbo ng oras.

Parang kahapon lang ay ako pa ang hinahanap ng ‘yong mga mata, ang boses ko pa ang gusto mo naririnig at ang kamay ko pa ang nais na hawakan.

Parang kahapon lang ay hindi nagkaintindihan, nagkasakitan, lumuha’t nasaktan, naisipang hindi talaga para sa isa’t isa ngunit sa huli’y bumalik pa rin.

Parang kahapon lang ay nagawa pang maayos ang mga nasira, nagawa pang magpatawadng pusong nasugatan, nagawa pang bumalik kahit napagod na.

Parang kahapon lang inakala kong may patutunguhan ang lahat, umasa akong magiging malinaw din sa dulo konting hintay lang, sumubok ako kahit na walang kasiguraduhan kung anong kahihinatnan sa dulo.

Parang kahapon lang tayo pa ang magkasama, tayo pa ang nagkakaintindihan.

Ngunit ngayo’y parang hanggang alaala nalang ang kahapong hindi na maibabalik.