Categories Confessions

Pa-fall

Hindi mo pala kaya panindigan
Bakit mo pinakilig
Bakit mo sinanay
Bakit mo pinaasa
Bakit mo pinasaya
Bakit mo binigyan ng oras
Bakit mo sinamahan lumabas
Bakit mo binigyan ng importansya
Utang na loob
Huwag mo sasabihin
Naging gentleman ka lang
Dahil, bulok na yan
Huwag mo din isumbat
Na talagang friendly ka lang
Umayos ka!
Kung hindi mo balak mahalin
Huwag mong umpisahan
Kung hindi mo balak pakasalan
Huwag mong istorbohin yung puso
Tapos kapag pakiramdam mo
Nahuhulog na yung loob niya
Unti unti ka nang magiging busy
Saka ka manlalamig
Tapos iiwasan ka na
Saka biglang magbabago na isip mo
Sasabihin mo na ayaw mo na
Tapos kasalanan pa namin
Kung bakit kami na-fall
Hindi ka ba naman walang hiya
Pa-fall ka di ba
Ikaw tong unang nangulit
Tapos ngayon ikaw tong biglang mawawala
Magpakalalake ka nga
Kung wala kang balak panindigan
Utang na loob
Tigilan mo na
Dahil hindi madali mag move on
Lalo na kung hindi nabigyan ng label