Hi. Ito yung tulang kanina ko lang naisulat. Tulang nagawa mula sa pusong katuwa tuwa. Pusong hindi malaman kung bakit nagawa, Nagawang sumulat ng ganitong klase ng tula. Akin ng iiwan sainyo ang tulang aking nagawa sa loob ng apat na sulok ng aking opisina, kasama ng aking lamesa.
Ito ang laman ng puso ko sa mga sandaling tahimik ang paligid at payapa ang aking puso. Puso ang nagdikta, kamay ang sumulat. Halika’t basahin na. 📖📜📝
PAANO BA?
Paano ba?
Paano ba maging masaya?
Paano ba ngumiti na pumupunit saiyong mga labi?
Paano ba tumawa kahit walang nakakatawa?
Paano ba sumaya ng wala ng wala na siya?
Paano?
Paano?!
Yan ang mga tanong ko sa sarili ko.
Paano ba gumising ng umagang ikaw na lang mag isa?
Paano ba lumaban ng alam mong sinukuan kana niya?
Paano mo bubuuin ang puso mong ang kalahati ay nasa kaniya?
Paano mo maayos ang sarili mong nawasak ng lumisan siya?
Paano mo sisimulan ang umagang wala na siya?
Paano ang salitang sumubok kung ang tanging nararamdaman mo ay pagka lugmok?
Paano mo itatama ang lahat ng tapos na?
Paano mo pa aayusin ang matagal ng sira?
Paano mo haharapin ang bukas ng ikaw na lang mag-isa?
Sa dami ng “Paano” na ni isa’y di mo mabigyan ng “Ito”.
Ito?
Ito?
ITO ang mga dapat mong gawin, ITO? Ito ang mga dapat kong gawin. ITO? Ito ang mga dapat nating gawin.
Una, Piliin mong maging masaya, kasunod ng saya ay ngiti na kusang pupunit saiyong mga labi na kay tagal ng hindi namutawi.
Pangalawa, Kayanin mong sumaya ng wala na siya,dahil hindi siya ang magbibigay rason sa kasiyahang alam mong matagal ng nasayo diba?
Pangatlo, Kaya mong gumising kahit wala siya, dahil ang tulugan nyo ay hindi naman iisa, diba?
Pang-apat, Hindi mo kailangang lumaban ng mag-isa, kapatid. Wala man siya, ang taong minsang naging dahilan para lumaban ka, ang mahalaga ang Diyos ay nariyan para damayan ka. kailangan mong isuko, kung hindi loobin ng Diyos, dahil ang pagmamahal niya sayo ay kailanman hindi matatapos.
Panglima, matagal ka ng AYOS sa mata ng DIYOS, nawala ka lang sa ayos ng iba ang iyong NIYAPOS.
Hindi ka WASAK, halika’t lumapit ka sa Kaniya, puso mong wasak hayaan mong buuin Niya.
Pang-anim, ang umaga ay biyaya ng Diyos, magpasalamat at hindi ka hikahos. Kaya mong simulan, Oo kapatid kaya mo! Halika’t Kaniya ka Niyang tutulungan.
hindi NAWALA ang tawag sa taong una pa lang hindi na TAMA, sa Plano ng Diyos hindi ka magiging kaawa-awa.
Pang-pito, tapusin ang “PAANO” simylan ng “GAGAWIN KO”, lumapit sa Diyos, tulong Niya’y hingin ng ang bubog sa damdamin, mapalitan ng sa wakas sinubukan ko rin.
Pang-walo, ang tapos na ay tapos na. Itaas sa Diyos ng ang pagtatama ay mag mula sa Kaniya.
Pang-siyam, Uulitin ko muli uulitin ko pa uli-uli, itaas sa Diyos ang alam mong sira na, hindi ikaw ang makakaayos nito kapatid, magpagamit pang uli, magpagamit pang muli, sa Presensya ng Diyos, Siya ang tatapos.
Pang sampu, Ang bukas na iyong pinapangarap, ang bukas na iyong inaasam, makakamtan mo rin. Makakamtan mo rin.
Sabayan mo Siya, Uulitin ko, sabayan mo Siya. Siya na bumuo sayo, Siya na nagmamahal sayo, Siya na hindi ka sinukuan,,Siya na hindi ka nilisan,at higit sa lahat siya na paulit ulit kang pinapatawad. SIYA.
Sabayan mo Siya. Sapagkat ang mga Pangarap mo, matagal na Niyang naisulat para sayo.
Written by: Kimberly Japone 8-20-18