Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Masakit pakinggan sobrang nakakabingi man
Paulitulit man ngunit di maikakaila ang katotohanan
Di maitatago, pagibig na nadarama niya
Pusong inarugaan mo, ay pagmamayari na ng iba

Masasayang araw na inyong itinala
Mga pangarap na binuo ninyo sa simula
Mga ngiti at tawanan niyo sa isat isa
Hangang alaala nalang talaga

Naisin mo mang oras ay ibalik,
Noong ikaw pa ang hanap ng puso niyang sabik
Kung saan ikaw lang ang kanyang bukang bibig
At oras oras niyang sinasambit na ikaw ay kanyang iniibig

Naisin mo man wag lumakad ang panahon
Na tumigil lamang sa sandili na ikaw lang ang tumutugon
Sa uhaw niyang puso at gutom na damdamin
Sa nakaraang “ikaw lang ang mahal ko” ang kaya niyang sabihin

Naisin mo mang magsing
Dahil baka panaginip lang ang lahat na naganap
Paulitulit mang sarili ay sampalin
Di mo maikakaila na ngayon wala ng “kayo” sa hinaharap

Mga matatamis niyang salita
Mga yakap niya sa malalamig na gabi
Kumot at unan nalang ang magsisilbing kaagapay
Dahil hindi na ikaw ang nasa kanyang tabi

Ipipikit na lamang ang mga mata
Paiikutin nlang ang mundo at ang mga tala
Dahil baka sa susunod na idilat mo na ang mga ito
May magmamahal na rin sa iyo ng tapat at totoo