Current Article:

Paano mag-move on, kahit hindi naging kayo?

Paano mag-move on, kahit hindi naging kayo?
Categories Bdub

Paano mag-move on, kahit hindi naging kayo?

Siguro ilang beses mo na rin kinumbinsi ang sarili mo that it’s over. Kaso paano mo tatapusin ang isang relasyon na wala namang naumpisahan? To the other person, wala lang talaga. Pero para sa’yo. para kang nagmomove on uli sa isang break up pero walang label ang relasyon. Worse thing is, baka ikaw lang ang nakakaalam na may relasyon pala kayo. Sad but true. Many people fall for the wrong people, which in turn leads them to misery and heartbreaks kahit hindi naman dapat.

So paano ba makakamove on kung hindi naman naging kayo?

1. Avoid conversations that could lead you to fall for him/her again.

Actually, hindi mo naman siya kailangan iwasan. Kasi awkward. Ikaw lang naman ang kailangang magmove on at hindi siya, so just act normal. Parang walang nangyari. Stay friends. But limit the depth of the conversations. Iwasan mo nang mag-open ng personal stuff sa kaniya and kapag siya naman ang nag-oopen sa’yo, cut the conversation na lang with short replies. Para maiwasan mo na rin ang maging pokmaru uli sa kaniya.

2. Do not stalk the person on social media.

Mahirap iwasan lalo kung friends kayo or you follow each other sa social media accounts niyo. But refrain from stalking na lang para hindi ka paulit-ulit masaktan kasi lalo ka lang mahuhulog sa kaniya. Iwasan mong maging updated sa life niya at maging busy ka sa life mo. Out of sight, out of mind. Pero kung nasa same circle of friends kayo or hindi mo maiwasan na lagi kayong nagkikita, just try your best na hindi maging affected. Talk when he/she talks to you pero huwag ka nang umasa na may gusto siya sa’yo. Huwag kang assuming at binibigyan ng meaning lahat ng ginagawa or sinasabi niya sa’yo.

3. Never initiate a conversation.

Hayaan mo na siya kung imemessage ka niya or hindi. Basta huwag ka nang mauuna. Iwasan mo na rin siya kamustahin. Kung kinamusta ka, then reply. But always guard your heart. Limit your conversations. Kahit makita mo siyang online, ignore. Sa una lang mahirap, pero masasanay ka rin hanggang sa hindi mo namamalayan yung absence niya sa buhay mo.

4. Pray for your heart.

This is so important. May mga bagay kasi na hindi mo na talaga kayang ma-control, especially ang heart issues. Ask God to help you overcome your feelings for this person. Be careful na hindi na maulit yung same mistakes mo dahil nagpadala ka sa emotions mo. You will be completely healed and happy kasi alam mo yung worth mo sa Lord. Hindi mo na kailangang maghanap ng love sa iba, let it come naturally through God’s move in your life.

5. Keep in mind that you deserve better.

You don’t deserve to beg for love or ask someone to feel it for you in return, but you deserve someone who could make you feel loved and happy without any effort. Kung hindi, edi hindi. Sa dami ng tao sa mundo, hindi mo dapat aksayahin at oras at effort mo sa taong ayaw naman sa’yo. Paulit-ulit mo mang marinig na life goes on as you move on, pero it’s the truth. Accept the fact that he/she is not the one for you kaya maraming complications. The love you deserve is smooth, pure, secure and true. Learn to wait for it.

Huwag sayangin ang oras at panahon sa taong hindi nakikita ang halaga mo. Because the truth is, you are precious and loved by many. Just look around you and who knows, maybe the right one has always been there for you.

Note: This is a continuation of my blog, “Move on, kahit hindi naging kayo.“I hope this helped you. 🙂