PAANO NGA BA MAGMOVE-ON?
Categories Move On

PAANO NGA BA MAGMOVE-ON?

Paano ba mag move on?
There is no actual time-frame on mending a broken heart. Walang step-by-step procedure para dun. Moving on may take a long time process. It may be months or else years. Araw-araw sasabihin mo sa sarili mo na magmove-on ka na but in reality you’re not. Kasi nga naaalala natin yung sakit na ginawa nya sa atin. Yung akala mong siya ang magbibigay ng kaligayahan sayo ngunit hindi pala. Yung akala mong sya ang sagot sa lahat ng pangarap mo pero mali pala. Hindi kasi madaling kalimutan ang sakit lalo na kapag binigay mo ang lahat – lahat sa kanya. We are expecting much to someone to whom we dedicate our love, but in the end sila pala yung taong magbibigay ng sakit sa atin. Sila pala yung taong magdudulot ng lagim sa buhay natin. Pero kong di man tayo pinalad sa kanya wag tayong mawalan ng pag-asa. Why don’t we try again? Hwag nating panghawakan ang nakaraan dahil kahit anong gawin natin di na magbabago ang nangyari na. May mga paraan para makalimot. May paraan para magbago, at ito yon:

1. TANGGAPIN ANG KATOTOHANAN

“That’s the thing about pain. It deserves to be felt.”

When we fall in love, it is a matter of happiness or pain may come our way. Hindi natin maiiwasan ang mga sakit. Minsan kailangan din natin maranasan ang sakit para tayo’y matauhan. Kapag nawalan tayo ng napakahalagang bagay kailangan nating tanggapin. We had to feel it, and that feeling is an essential way of healing. It’s a process of mending our broken heart. Hindi ito pagpapakita na ikaw ay mahina. Hindi ito pagpapakita na ikaw ay marupok. Kundi pagpapakita ito na ikaw ay palaban at kayang harapin kahit anumang uri ng pagsubok. We have to go through that situation and not around it. When you realize that everything is going to be okay, you can simply say, “I’m already on my way to the next level of my life.”

2. BAGUHIN ANG SARILING KAISIPAN

“There’s always a rainbow after the rain.”

Sa isang relasyon, kailangan mong intindihin ang lahat ng mga bagay-bagay lalo na kapag nasa tinatawag na “Deadzone” na. We need to transform from the habits of thought that mostly we did before. You need to rebuild your life as well as your heart. Huwag mong hayaang talunin ka ng nararamdaman mo. Gawin mong challenge lang ang mga pagsubok sa ating buhay. Stand-up and be strong enough to face it. Huwag mong isipin na katapusan na ng lahat. Tandaan mo pansamantala lang yan at bukas wala na yan. We all know that being heartbroken can make you worthless and hopeless. Yes it is, but it is because we are moving on a limited frame of our life. Our frame of life is too narrow. The best thing we can do is to expand the frame we are moving. Do seek for advises, else seek your self. Learning to see your self with a wide frame of life is wonderful sign of having a point of view in moving forward.

3. INTINDIHIN AT MAHALIN ANG SARILI

“Letting go is a form of loving yourself.”

Isa sa mga pinakamahirap gawin pag nagmahal ka ay ang pag-intindi at pagmamahal sa sarili. Isa itong malaking kabaliwan. Kaya tayo madalas masaktan dahil kulang tayo ng atensyon para sa sarili natin. Minsan nga mas pinipili pa natin silang intindihin para lang maipakita ang tunay na halaga nila sa atin. Pero sana naman wag na tayong masyadong tanga. If it requires to let go, then we should. There is a right time for everything. At malay ba natin baka na-traffic lang si Mr./Ms. Right sa daan. Dapat magkaroon ka rin ng tatag at tibay ng loob para harapin ang katotohanan. Basta lagi mong tatandaan ang lahat ay lilipas din. Maaaring nasasaktan ka ngayon pero bukas o sa mga susunod na araw ikaw naman ang magsasaya at sya yong masasaktan.

4. PALAWAKIN ANG GINAGALAWANG MUNDO

“You’ll never find happiness if you don’t move on.”

Say hello to your new world. Kung dati limitado lang ang mga galaw mo, kailangan mong baguhin ang mga yan. Una, makinig ka sa mga payo ng mga kaibigan mo o kaya sa mga kapatid mo. At pangalawa, kailangan mo rin ng mga bagong kaibigan. Sa step na ito kailangan mo nang mag adjust. Kailangan mong makihalubilo sa karamihan. Forget what you have yesterday and embrace what you have today. Kapag marami ka ng kaibigan unti-unti mo ng makakalimutan ang iyong nakaraan. At dito na magsisimula ang iyong kasiyahan. Yung saya na akala mo hindi mo makakamit. Yung saya na akala mo hindi mangyayari. At yung saya na akala mo hindi mo mararanasan. Stand up! Smile! and look for a new world and friends to lean on, that’s the way we can survive of having a broken heart.

5. BUKSAN ANG PUSO

“Every new friend is a new adventure and a start of new memories.”

And here we go. It takes time to move on. It might be years. Hwag mong isipin na wala ng nilalang na magmamahal sayo ng totoo. Sa bilyong-bilyon populasyon sa mundo, isa dyan ay para sayo. Don’t be afraid to love again. You need to learn from the past only. At hwag padalus-dalos sa mga desisyon. At kung magmahal ka, dapat handa mo nang harapin ang bago mong mundo at talikuran ang nakaraan. At sa puntong ito, kailangan mo na ring magtira ng pagmamahal sa sarili mo. Hwag ka nang magpapabola sa mga matatamis na salita. Dapat parehas ka sa lahat at timbangin ang ang lahat ng gagawin o desisyon. Love yourself and try to learn from the past.

Pagkatapos mong tanggapin ang katotohanan sa lahat ng nangyari at ang pagbago mo sa sarili mong kaisipan o pananaw sa buhay kailangan mo ng mga kaibigan para makarating sa puntong yan. Ang pag-intindi sa sarili at pagpapalawak sa mundong ginagalawan ay isa sa mga paraan para makahanap ka ng bagong kaibigan. To help yourself, you must be yourself. Be the best that you can be. When you make a mistake, learn from it, pick yourself up and move on. The beginning is always the hardest part. But if you are willing give it all everything will be okay. At hwag nating kalimutan magpasalamat sa Panginoon dahil di nya tayo pinabayaan.

Thank You For Reading!!!

Author:

#Mhike