Current Article:

PAANO SIMULAN ANG ISANG BAGAY NA MALABO ANG KATAPUSAN?

PAANO SIMULAN ANG ISANG BAGAY NA MALABO ANG KATAPUSAN?
Categories Relationships

PAANO SIMULAN ANG ISANG BAGAY NA MALABO ANG KATAPUSAN?

Paano ba sisimulan?

Saan ba magsisimula?

Yung taong lagi mong kausap sa sampung taon, biglang mawawala.

Yung taong una mong binabati ng good morning at unang tatawagan, hindi na ikaw ang kinakausap.

Gaano kahirap kimkimin ang mga tanong sa puso mo?

Nagkakausap kaya sila tuwing umaga?

Nagpapalitan na agad sila ng text messages sa umaga pa lang?

Oo, nakakatanggap pa din ako ng text galing sa kanya pero yung pakiramdam na ikaw na dating inuuna e pangalawa na lang ngayon.

Yung ikaw yung legal pero parang ikaw pa yung nakikihati ng atensyon.

Ikaw na yung nagmamakaawa ng tawag at text nya.

Dati ikaw ang huling tatawagan bago matapos ang araw. Sasabihan ka ng goodnight. I love you. I miss you.

Ngayon biglang nawala lahat nung mga bagay na kinasanayan mo.

Sampung taon. Ganun ba talaga kadali itapon ang lahat?

Ganun ka lang ba talaga kadaling palitan?

Dito na papasok ang linya ni Lisa Soberano na “kapalit-palit ba ako?”

Hindi na ba ako kamahal-mahal pag nagkamali ako?

Kapag tumatawag sya, gustong-gusto ko magtanong kung masaya na ba sya?

Okay na ba sya? Magkatext ba sila?

Ang sakit makita na online sya pero naiisip mong magkavideo-call sila.
Paano ba sisimulan?

Kasi ang hirap hirap.

Ang sakit sakit sa puso.

Pero kahit gaano ako magalit ngayon, walang patutunguhan.

Lalo ka lang lalapit sa kanya.

Hindi ba pwedeng mawala agad yung sakit?

Kasi hindi ko na alam pano ako nakakasurvive sa sakit na idinulot mo.

Hindi ko alam kung kaya ko pa bang magtiwala sa susunod.

Hindi ko alam kung kaya pa kitang tanggapin pag dumating yung panahon na sinasabi mong babalik ka.

Hindi ko alam kung kaya ko pang buksan ang puso ko para sayo.

Kasi nararamdaman ko na ngayon na unti-unti na ‘tong nagsasara para sayo.