Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Naglalakad ako mag isa

Sa daan habang tulala

Nang  bigla akong napatigil sa kanto

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Nakita kita at ang oras biglang huminto

Lumingon ka saken at ngumiti

At nakaramdam ang puso ko ng kiliti

Tanong ko sa sarili ko

San ba ko dadalhin ng nararamdaman ko?

Naglakad ako papalayo sayo

Pero sinabayan mo ko

Dahilan kung bakit nagkakwentuhan tayo ng kung anu-ano

At nagsabihan ng mga sikreto

Ang akala kong panandalian

Di nagtagal ay naging palagian

Araw araw na kong kinikilig sayo

Kasi araw araw ko ring nakikita ang pag ngiti mo

 

Sa ibang banda ay parang may nag aabang sayo

Sabi ko sa sarili ko

Di sya magiging hadlang sa dapat sasabihin ko

Ngunit nagulat ako sa nakita ko

Hinagkan mo sya ng mahigpit

Dahilan upang puso ko’y mamilipit sa sakit

 

Di nagtagal ay naglakas loob akong umamin sayo

Kahit masakit ay susugal ako

Humakbang ako paraharap at umamin na ikaw ang mahal ko

Ngunit iniwas mo sarili mo

Sambit mo ay huli na ako

 

Kada makikita kita sa kanto

Titingin at ngingiti pa rin ako sayo

Na kahit saglit lang ay sana maramdaman mo

Na sa mga araw na kasama kita

Walang araw na hindi ako naging masaya

Walang minut na hindi ko ginusto na maging akin ka

 

Kahit palihim, masaya akong nakikita kang masaya

At kahit hindi mo natanggap yung nararamdaman ko sayo

Masaya akong hanggang dito na lang tayo

 

Send me the best BW Tampal!

* indicates required