(Para sa mga taong makakabasa nito, hinihiling ko na habang binanasa niyo ito, pakinggan niyo ang kanta ni Moira Dela Torre na “Huling Gabi.”)
Hiniling ko isang araw na magkaroon tayo ng pagkakataon na makapag-usap at magkakilala.
Makapag-usap kahit “Hi” o “Hello” man lang.
Subalit hindi ko maunawaan na kung bakit sa bawat pagkakataon na nagkakasalubong tayo ay hindi man lang kita magawang ngitian o batiin man lang.
Siguro natatakot ako.
Natatakot ako na maging bahagi ka ng buhay ko.
Bahagi ng buhay ko na isa lang sa mga magdudulot ng sugat nito.
Nakatayo ka noon.
Nakikiramdam sa mga susunod na pangyayari.
Subalit sinayang ang pagkakataon dahil sa mga ala-alang ayoko nang maulit pa.
Mga ala-alang nagbalik sa dulo ng pintuan.
Pinili kong hindi ka kausapin dahil ayoko nang maulit pa ang pagkakataon sa dulo ng pintuan.
Mga ala-ala ng aking nakaraan na sanhi ng aking masakit na karanasan na dulot ng dulo ng pintuan.
Nasa dulo ako noon ng pintuan.
Nagpapahinga.
Humuhugot ng lakas bunga ng buong araw na pagod sa pagtra-trabaho.
Subalit nagulat ako dahil sa kabilang dulo nito sinamahan niya ako.
Isa, dalawa, tatlong minuto nakaupo lang kami doon na walang imikan.
Pareho kaming tahimik at ninanamnam ang katahimikan.
Hanggang sa siya ay tumayo at ako’y nilisan.
Nilisan na hindi mawari ang tunay na kadahilanan.