Mahal, pagod nang maglakbay ang aking mga luha
Sa tuwing ramdam ko ang iyong matatalas na salita sa mga hindi mong simpleng pagkibot
Sa araw-araw na may nakapintang tuwa sa aking mga mata
Nagkukunwaring na parang ako’y para sa’yo at akin ka
Oo, mahal. Gulong-gulo ako pero kahit na malabo, kumapit pa rin ako
Dahil ngayon lang ako nagmahal ng ganito
Dalawang taon
Dalawang taon na ang lumipas
Pinaglaanan mo ng sobrang oras at atensyon
Nasanay ka na palagi siya andiyan para sa’yo
Na sa bawat yugto at sandali ng buhay ay napuno ng pagmamahalan niyo
Sinama siya sa bawat plano mo at minahal mo ng buong-buo
Yung pinaramdam niya sa’yo na kamahal-mahal kang tao
Pero mabilis nagbabago ang lahat
Bakit kung kailan nasanay na tayo sa presensya ng isang tao eh saka siya bigla-biglang mawawala na parang bula?
Yung ikaw andito pa pero siya wala na
Yung ikaw iniisip siya habang siya masaya ng kausap ang iba
Yung inaalala mo siya ngunit di ka na umaasa
Yung ngumingiti ka na lang pero nandito pa rin yung sakit na dinulot niya
Lumipas ang araw, linggo at mga buwan
Kailan nga ba natapos ang madadalas na usapan?
Kailan ba natapos ang mahahabang kamustahan?