Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Ano ba itong nadarama
Di ko mapaliwanag sinta
Sa bawat tingin sa iyong mga mata
Nahuhulog kahit di sadya

Laging ikaw lang nasa isip
Sa bawat oras sumisipsip
Pati puso ko’y sumisikip
Ganda mong laging nasisilip

Puso’y lumbay pag di makita
Mukha mong akin lang pag-asa
Nagbibigay lakas at sigla
Araw kong nagbibigay ganda

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Lagi nalang na umaasa
Sana landas ay magtagpo na
At hindi na mag-iisip pa
May kaunti ba kong pag-asa

Sana’y sagutin sa pag-amin
Nararamdaman ng damdamin
Na kapag ikaw na ay akin
Iwanan ka’y di ko gagawin

Sa anong araw ko pa kaya
Aminin itong nadarama
Pagtatapos ay malapit na
Kausapin ka’y di magawa

Paki-usap lang sarili ko
Tibayan mo lang ang loob mo
Pag-amin sana ay gawin mo
May oras pa pag-amin mo bro

Paglimot sa’yo takot ako
Tamang panahong pag-amin ko
Baka may manligaw na sa’yo
Abot langit pagsisisi ko

Hindi ko lang alam kung bakit
Sa’yo lang ako naaakit
Ganda mo na parang marikit
Kita ko kahit nakapikit

Ikaw lang ang gugustuhin ko
Araw na magkalayo tayo
Kahit hindi man maging tayo
Espesyal ka lagi sa puso

Send me the best BW Tampal!

* indicates required