Gusto kong malaman “Ano ba ang nasa isip mo?”
Ano bang nilalaman, gusto kong matuklasan.
Gusto kong buksan dahil isa kang misteryo, isang palaisipan

Naiinis ako kasi hindi ko alam
Hindi ako manghuhula, mahina rin akong makiramdam
Ano nga ba kasi? Gusto kong sabihin mo dahil hindi ko maintindihan

Lalo tuloy kitang naiisip,
at lalo akong naguluhan sa nararamdaman
Sa mga salita at kilos mo,
ano bang ibig sabihin nang lahat ng ito?
Hindi ko man naiintindahan
pero bakit lalo kitang nagugustuhan?

Gusto kong malaman “Ano ba ang nasa isip mo?”
Ano bang nilalaman, gusto kong matuklasan.
Gusto kong buksan dahil isa kang misteryo, isang palaisipan.
Nais malaman, kung ako ba ang nilalaman.