Para sa Aking Minahal na Kaibigan

Best friend! Kamusta ka na? Naalala mo pa ba ang ating tawagan? “Dear” ang sarap pakinggan. Tila kumikiliti sa tenga kapag iyong sinasambit. Pero okay lang kung di mo na to naalala. Pero ako, naalala mo pa ba? Ako nga pala yung palaging nakasupporta para sayo. Tumatakas para mapuntahan ka at punasan ang luha mo at saluhin mga tagay mo tuwing di mo na kaya. Siguro nga hindi mo na maalala dahil masaya ka na nga lala sa bago mo.

Nalimutan mo nga ba talaga ako o sadyang wala naman talaga ako sayo?

Hay. Sayang. Sayang ang mga araw na tayo lagi ang magkasama kahit magpunta. Ang mga araw na tumatambay ka lang sa sala para magkwento sa nakakapagod mong araw. Pero ni-minsan di mo tinanong kung kamusta araw ko. Yung mga panahong masaya tayong magkasama. Nagkukulitan habang seryoso ang mga kasama natin. Pero teka lang, nagkamali ako, hindi ka nga pala nanghihinayang dahil lahat ng yun WALA LANG PALA SAYO.

Gusto kitang tanungin kung ano nga ba ako sa buhay mo. PAMPALIPAS ORAS?

Pasensya ka na, pinahalagahan ko kasi tong pagkakaibigan natin. Samantalang ikaw, pinahalagahan mo kasi KAILANGAN MO KO.

Wag mag-alala, okay lang ako. Sa kabila ng iyong paglimot andito pa din ako. Andito pa din ako, naghihintay na maalala mo. Kahit burado na ako sa kwento na iyo dahil magsisimula na ang KWENTO NYONG DALAWA.

Exit mobile version