Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Para sa iyo na hindi pinili,

May mga taong dumarating sa buhay mo na ipaparamdam sa’yo na isa ka sa mga pinaka importanteng tao sa mundo pero bibitawan ka pagkatapos ng ilang araw, ilang lingo, ilang buwan o ilang taon. Yung taong paaasahin ka na pwedeng mangyari yung mga laman ng panaginip at pantasya mo, yung taong magpaparamdam sa’yo ng panandaliang tuwa at kilig pero biglang mawawala na parang bula. Sinanay ka niya sa mga mumunting bagay na naging dahilan sa mga kislap ng iyong mata at di mapigil na ngiti sa labi mo. Subalit isang araw biglang wala ng paramdam. Biglang nawala at naiwan kang nagtatanong kung bakit. Maraming bakit ang pumapasok sa isipan mo at naisip mo na lang din na baka yung pananahimik niya ay isa ng sagot. Tahimik siya dahil hindi na siya sigurado, tahimik siya dahil may iba na at hindi niya alam kung paano sasabihin sa’yo. Tahimik siya dahil hindi ikaw ang pinili niya. Pero dahil gusto mo ng sagot nag lakas loob kang nagtanong at nakumpirma mo yung mga dahilan ng pananahimik niya.

Masakit na hindi ka pinili. Masakit na umasa ka sa wala. Masakit na naramdaman mong wala ka palang panama kumpara sa taong pinili niya. Masakit kasi kahit may hinala ka na umasa ka paring ikaw ang pipiliin. Sa huli, ikaw pala yung pinakawalan at hindi pinili. Masakit. Uulitin ko masakit. Sa kawalan, bigla ka na lang magtatanong kung kalian kaya darating ang panahon na ikaw naman ang pipiliin? Kailan darating yung taong pipiliin ka sa araw-araw? Nakakapagod na rin minsan na ikaw yung palaging pinakakawalan pero may bumubulong sa isip mo na siguro may pag-asa pa naman. Siguro dapat mo munang matutunan na piliin ang mga taong pinipili ka at higit sa lahat siguro eto na yung panahon na piliin mo yung sarili mo. Ikaw muna, piliin mo yung ikaw. Hayaan mong unti-unting mawala ang sakit sa paglipas ng panahon, hayaan mo ang sarili mong mas mahalin ka at piliin ka…

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Estrelle

 

 

 

Send me the best BW Tampal!

* indicates required