Sabihin mo mang limot mo na siya
Hindi mo pa rin mapagkakaila sa iyong mga mata
Na tila ipinahihiwatig nito’y sa kanya ka pa rin sasaya
At sa loob-loob mo’y lagi mo syang naaalala

Sabihin mo mang limot mo na siya
Ngunit nakikita ko pa rin ang bakas na iniwan niya
Mga bakas na hindi mo magawa-gawang bitawan
Dahil siya pa rin ang iyong tahanan

Sabihin mo mang limot mo na siya
At puso mo’y handa nang magmahal ng iba
Maaaring ibang tao’y mapapaniwala mo
Subalit puso mo’y hindi mo maloloko

Sabihin mo mang limot mo na siya
At hindi kayo ang itinadhana
Sapagkat sya’y mayroon nang sinisinta
Kaya ikaw ay sumusuko na

Sabihin mo mang limot mo na siya
Puso mo’y konektado pa rin sa puso niya
Pilitin mo mang maghanap ng iba
Pero walang babaeng papantay sa kanya

Sabihin mo mang limot mo na siya
At tayo ay pwede nang makapagsimula
Nais ko mang hagkan ka at sayo’y magtiwala
Subalit ang pananabik mo sa kanya ay tila hindi nawawala

Sabihin mo mang limot mo na siya
At ang GUSTO mo ay ako na
Ngunit ano nga ba ang laban ko
Kung siya naman ang MAHAL mo

Sabihin mo mang limot mo na siya
At ako na ngayon ang mahalaga
Ngunit ramdam ko na kayong dalawa
Ay talagang para sa isa’t-isa

Sabihin mo mang limot mo na siya
Subalit ako’y magpaparaya na
Kailanma’y hindi ko nais maging isang panggulo
Dahil deserve ko ang istoryang tanging ang bida ay ako.