Para sa Taong Nasaktan ko ng Husto
Kasabay ng sama ng panahon, ang pagharap ko sa sariling bagyo ng buhay ko. Dumadating sa punto na gusto ko ng sumuko at talikuran lahat. Pero uulit at uulit ito kung di ko haharapin.
Nagkasala ako sayo alam ko, nasaktan kita ng sobra, dumating sa punto na nagkasakitan tayong dalawa, at kung ano tayo dati unti unting nabura, pero sinubukan kong magreach out sayo, hinanap kita kahit sa mga lugar na alanganin ako, pero sinara mo na lahat ng pwede kong daanan patungo sayo.
Galit ka, tatanggapin ko. Hindi mo ako kilala, tatanggapin ko. Minumura mo ako, lulunukin ko. Kasi alam ko at aminado ako nagkasala ako sayo. Nakakatawa no? Once were partners in crime ngayon halos tayo na yung magpatayan.
Tatanggapin ko kung ano yung sinasabi ng mga tao sa akin, wala kang maririnig na kahit anong masama laban sayo. May kasalanan ako diba? I’ll take responsibility. Ikaw? kelan mo papalayain ang sarili mo? Kelan mo tatanggapin na nagkamali ka din ? kelan ka magrerespond sa mga mga reach out namin? Kapag huli na? Kapag napagod na?
Hahayaan kita, kung jan ka sasaya. Kung jan mararamdaman mo na nakaganti ka na, kung jan mapapalaya mo ang sarili mo. Wag mo akong patawarin dahil baka nga hindi ko deserve, pero ikaw napatawad na kita. Ginawa ko yun hindi para sayo, kundi para sa sarili ko at bilang pag amin na nagkamali ako at para maitama ko.
Gaya ng lagi kong sinasabi sayo noon “kung saan ka masaya, kahit nagmumuka ka ng tanga, susuportahan pa din kita”.
Nadadapa ang tao, naliligaw ng landas, pero lahat may second chance. Itatama ko yung mali ko dahil yun yung dapat.
Sa taong nasaktan ko ng husto, Patawad, hindi ako naging tapat sayo.