Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

PATAWAD .. .

 

Ilang buwan na nakalipas ng huli tayong magka-usap,

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


‘Di pa rin mawari ang mga salita sa bawat pangungusap.

Hindi ba’t sabi mo sakin ika’y maghihintay

Bigla ko nalang nalaman, hawak mo na kanyang kamay.

 

Hindi ko maintindihan ang bawat pangyayari

Sabi mo sa akin ika’y sobrang nagsisisi.

Sobrang lungkot dahil di ka na gaya ng dati

Gabi gabing umiiyak, aking unan ang siyang saksi.

 

Ang sakit isipin na dumating ang araw

Araw na pinangako mo sakin na di mo sasaktan,

Na habang buhay ay ako lang at ikaw

Sabihin mo sa akin nagkulang ba ako at saan?

 

Maraming pangarap ang sabay nating binuo

Pero pawang ang lahat ng ito’y tuluyan nang naglaho,

Ngayo’y tatahakin ang ibang daan papalayo

Papunta sa pangarap na ako nalang ang bubuo.

 

Salamat sa panahon na ating pinagsaluhan

Mga araw na kasiyahan at kalungkutan,

Problemang pinagdaanan at sabay na nilabanan

Ipapaubaya at iiwan nalang sa nakaraan.

 

Patawad kung kinailangan kong lumayo

Patawad kung bigla nalang nanghina at tuluyan nang sumuko,

Patawad kung madaming gabi ang pangungulila at lungkot

Patawad dahil sa dulo, hindi na tayo umabot.

 

 

 

 

 

 

 

Send me the best BW Tampal!

* indicates required