Usok, ng jeep, ng yosi.

Nag-iisip kung saan tutungo.

Saan nga ba patungo?

 

Nagtatanto, humihinga,

Nagsisindi, bumubuga.

 

Hinga ng malalim.

Nagmamasid sa dilim.

Tapos na. Tapos na nga ba?

Simulan. Simulan muli.

 

Tumayo. Ngumiti.

Simulan natin sa simula.

Baka sakaling makita.

Baka sakaling makarating,

Sa’yo.