Pinagtapo pero ‘di tinadhana
Categories Move On

Pinagtapo pero ‘di tinadhana

Naalala mo pa nung una tayong nagkakilala? It’s almost 6 years. Alam mo sa panahon na yun mixed emotions and situations yung pinagdaanan natin. Nakakatuwa lang na merong someone na nakikinig ng mga kwento ko kahit minsan walang kwenta. Ikaw na lagi kong sinusumbungan kapag nafufrustrate  at naiiyak na ako sa mga pangyayari sa paligid ko. I always want to be part of your life. Alam ko na nga lahat siguro ng mga nangyari sayo ehh. Yung paano ka nag-isstruggle sa work mo during this pandemic. Everything na related sayo inaalam ko. And I was really hoping and praying na malagpasan mo lahat ng yun. Napromote ka pa nga sa trabaho ehh at ako yung unang naging proud sa achievement mo kasi nakita ko kung paano ka  nagsasakripisyo sa pamilya mong malayo sayo.

Pero ngayon, ito na talaga yung panahon at taon na nawalan tayo ng connection sa isa’t isa. Sobrang sakit na kahit ayaw kitang bitawan isip at puso ko na ang nagsasabi na “tama na. ”

Madaming bagay na di tayo pwede sa isa’t isa. Dahil makakasakit lang ito sa atin. Di ko alam kung ako lang ba yung may nararamdaman para sayo or ikaw din pero takot ka pa magcommit?

Salamat sa almost 6 years na friendship natin. Alam kong things will never go back the same again.

I just want you to be happy kung ano man ang naging desisyon mo. Salamat na naging part ako ng masalimuot mong buhay.

“Pinagtagpo nga tayo nang mas maaga pa sa nakatakdang oras pero di tayo nakatadhana na maging tayo sa itinakdang oras. “