Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

So ayun nga may mga taong darating sa buhay natin na super magpapaligaya satin diba. Speed lang, minsan natural na ganun sila or di mo alam kong bet ka din ba nila. Saludo sa mga taong naka vanguard yung puso, lakas niyo mga sir. Pero this month of Dec may naka date akong girl, friendly noong una. Pero friends na kami sa FB i think Nov palang. Then ayun chat chat yung mga nasakanyan na ay isa siyang madaldal, masiyahin, may humor, astig at higit sa lahat strong. Well, yung mga babae ganito rare yung mga ganito eh. Para siyang legendary pokemon na 5’1 yung height niya. So pinakilig at pinasaya sa mga araw na lumipas, date, kain sa labas, arcade and mga selfie niya. Siya yung tipong kahit di kaaya aya yung itsura nung guy wapakels siya. Well nakakasama ko nga siya eh, tapos yung every gala namin more time na nakakasama ko siya and more money spend haha. Lumalalim yung feelings ko sakanya, pero yung history niya sa past lovelife niya nakwekwento and tanggap ko. Pero meron isang humaharang yun yung past niya nga and mga sugat niya sa past niya(parehas na past yan eh). Iniisip ko im so lucky to know this girl, but i feel so bad na oo strong siya pero nasasaktan din siya. Every time na nagkukwento siya nakatingin lang ako sa mata niya, kasi yung nakikita ko sa mata niya pag nag kwekwento siya about sa mga past niya na nasaktan siya pero pinapawalang bahala niya nalang. So yun balik sa kwento nga, Nov naging friends sa FB and Dec nag first kain sa labas kami. Since ako 3years single narin po, sinubukan ko naman andun yung feeling na Joy chicken joy. To cut the story short, im happy pag kasama ko siya ewan ko kung happy hormones lang yun or miss ko lang yung feeling ng to be with someone. Eto nasa pang apat or limang labas na kami, kaso lagi kaming lumalabas wala pa po kaming 2 months na lumalabas pero 5times na ata kaming kumain and gumala. Siya yung Plot twist ng 2k19 ko. Ngunit,subalit,dapatwat napapagod din siya kahit gaano siya kalakas. Siguro pasimpleng naiyak pag nag iisa, kaya andun na yung iniisip ko na sawa na to sa drama kaya magiging mahirap to. Pero ganun tayong mga lalaki diba? Mas mahirap ligawan mas masarap, pero iniisip niya kung bigay todo ang isang lalaki sa panliligaw dahan dahan namagfefade yung effort na yun. Kilala niya ko nasinasabe ko lahat ng gagawin ko. Pero im willing to wait for her, with a consistent feelings and effort before and after. Kaya siya ang aking plot twist with an extra twist.Thanks po ulit

Send me the best BW Tampal!

* indicates required