Wag kang matatakot kung magaling akong mang-stalk. Wag kang mababagot sa mga drama kong wala namang patutunguhan. Wag kang maiinis sa boses kong hindi naman kagandahan. Pag nagagalit ako, tumahimik ka lang, matatapos din naman.

Sana marunong kang magluto, ok lang kahit nilagang itlog lang, mabubuhay na tayo dyan. Sana marunong kang magkumpuni ng gamit, ng gripong sira, at relasyong malapit nang masira.

Wag kang aalis pag sinabi kong lumayas ka sa bahay, charot ko lang yon, kahit pa mga damit mo’y aking itatapon.

Wag kang magsawa na ako’y intidihin, kahit madalas ako ay may mood swings. Bibigyan kita ng listahan ng mga paborito kong pagkain, dahil gusto ko, alam mo kong pasayahin.

Ok lang kahit hindi mo tandaan lahat ng ito, dahil sigurado magiging makakalimutin na tayo pag matanda na tayo.

Ok lang kahit hindi ka gwapo, o kahit hindi ka marunong magmaneho, basta samahan mo lang ako kahit saang lupalop ng mundo.

Sipagan mo rin magtrabaho para hindi tayo mangungutang sa tindahan sa kanto.

Sana lang naman yan. Ok lang kahit hindi ka eksaktong ganyan, basta mapatunayan mo lang na mahal mo ako at sa akin ka lang, mamahalin kita ng lubusan.

Image from : Pixabay