Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Matatalim at mapanlinlang na mga salita,
Siya na ang nagkamali, siya pa ang namumuhi.
Ininda mong sugat mula sa kawalan niya ng respeto
na kung umasta ay parang Hari o Reyna na hindi mo kakayaning mawala sa buhay mo.
Siya na nahuli, siya pa ang nagalit.
Siya na nga ang sinungaling at malihim,
ikaw pa ang nasabihan ng hindi magandang ugali.
Siya na nanira sa tiwala,
ikaw pa ang tatanungin ng “para yun lang?”
Masarap murahin kung pwede lang
pero dahil ikaw ang mas nakakaintindi,
ikaw na ang kakalma at malalim nalang na hihinga,
Huwag lang siya mawala.
Ngunit huwag mong sanayin na ikaw palagi ang umaayos, na ikaw palagi ang umiintindi–
Dahil dyan nagsisimula ang salitang “Mali”

Send me the best BW Tampal!

* indicates required