Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Noong dumating ka sa buhay ko, ginising mo ng puso kong natutulog. Di ko alam na papasok ako sa isang relasyon na sang distansya natin sa isa’t isa ay ilang libong kilometro. Hindi ito ordinaryong relasyon, sobrang layo nito sa pinapangarap ko. Pero sumugal ako kasi pinasaya mo ako. Minahal kita dahil pinakita mo ng halaga ko. Ang dami nating pangarap noon, na isang araw magkikita tayo and magkakasama.

Pero bakit sa paglipas ng mga araw, buwan at umabot pa tayo ng taon. Unti-unti nagbago ang lahat, normal na sa atin ang awayan at hiwalayan. Yung dating masaya napuno ng dilim at pighati. Yung dating pinapasaya mo ako napalitan ng sinasaktan mo ako, Oo hindi ang katawan ko kundi ang emosyon ko.

Di kita sinukuan, Minahal parin kita. Pinaglaban ko yung pagmamahal ko sayo. Kinalimutan ko ang sarili ko para sayo. Tiniis ko lahat, dahil sayo.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Pero isang araw nagising ako sa katotohanan na, pinagpalit mo ako. Nawala lahat, Yung mundo kong umikot sayo. Pangarap na magkasama natin binuo.

Pinilit kong ipaglaban ang pagmamahal ko sayo, pero di naging sapat yun para manatili ka. Di naging sapat ang mga araw na minahal kita. Kinalimutan mo ang mga gabing sinusuyo kita. Yung atensyon na binibigay ko sayo. Ayokong magkulang sayo kaya binigay ko lahat ng makakaya ko.

Pero sa isang iglab, pinagpalit mo lahat yun dahil sa bago mong nakilala. Binitiwan mo akong parang lobo, at iwan mo sa ere na di alam ang direksyon kundi ang papalayo sayo.

Pero bawat sigundo, minuto hiniling ko na maging masaya ka sa desisyon mo. Oo, masakit na ang dating sayo ay hawak na at pagmamay ari na ng iba.

Di man ikaw ang itinadha na para sa akin, pero ikaw ang leksyon na kailaman ay di ko lilimutin.

Ngayon handa na akong BITAWAN KA kasabay ang katagang PAALAM NA.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required