Sa Muli Patawad
Categories Poetry

Sa Muli Patawad

Narito ako ngayon sa harap mo,
Duguan at puno ng pagkabigo
Namumutla ang aking mga pisngi
Sa mukha mo na puno ng pangamba at pagsisi
Patawad kung pinili ko sila kaysa sayo
Patawad kung nagmahal ako mas higit pa sa kaya ko
Patawad kung nakalimutan ko lahat na meron tayo
Patawad kung nagawa ko man saktan at ipagpalit ka.
Patawad kung sa lahat ng ito’y nalimot kita.
Ako lang ang nagpasya
Di ko man lang tinanong kung masaya ka pa
Sa likod pala nito’y nauubos kana.
Parang bahay dating puno pero ngayo’y limas na.
At parang taniman na dating sagana kinalauna’y naging babahagya.
Kaya patawad aking SARILI…
Kung ako ma’y nagkulang sa pagpapahalaga sayo
Kung mas pinili kong bigyan ng halaga ang ibang tao.
Sana ako ay matanggap mo pa
Sa kabila ng iyong pasakit at kanilang panghuhusga
Itutuwid ko lahat at ibabago
Ang mga suliranin at pagkakamali ko.
Hayaan mo at papatunayan ko sayo
Sa pagkakataong ito, ikaw naman ang pipiliin ko.