Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Sapagkakataong ito, hindi mo na alam kung paano at bakit hindi mo na kayang makisali at magkunwaring masaya nalang!

Piliin mo, piliin mo paring maging masaya sa kabila ng mapanghusga at mapaglarong mundo. Piliin mo paring makita ang ganda sa masalimuot mong nakaraan. Piliin mo, piliin mo paring tumayo kahit parang wala ka nang makitang dahilan para lumaban.

Oo! Sa una mahihirapan ka na para bang di mo na kaya at kakayanin pa. Ni hindi mo alam kung paano ba sisimulan o may saysay pa ba para simulan? Pero kailangan, kailangan mong piliing simulan, hindi para sa ibang tao kundi para saiyo sa sarili mo.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


May iba’t-ibang sitwasyon sa buhay na magbibigay depenisyon kung sino ka, pero hindi iyon ang mahalaga! Ang pinakamahalaga ay kung paano ka e’define o tingnan ng Panginoon.

Kaya ano man ang ibato sa’yo ng mundo, ano man ang sabihin sa’yo ng mga tao, piliin mo! Piliin mo paring mabuo ang iyong pagkatao!

Send me the best BW Tampal!

* indicates required