Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.
Nakakapagod
ang palagiang makaramdam ng lungkot
makaramdam ng takot
While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:
maramdaman na mag-isa ka
na sa iyong pag-iisa ay may mga salita na laging bumubulong at gumagambala
na sa tuwing sasapit ang alas dose nang gabi
unan ang nagiging sandalan
kumot ang siyang kinakapitan
binabalot ang puso ng puot
hindi alam kung paano pipigilan ang paghikbi
kung paano patitigilin ang pagtulo ng mga luha
dahil pagod ka na
na gumising sa umaga na may mugtong mga mata
at magpanggap na okay ka
Nakakapagod ang paulit-ulit makarinig ng pambabatikos
isang hindi nakikitang posas
na siyang gumagapos at dumidikta
na dapat ganyan ka
dapat ganito ka
hindi pwedeng maging iba
dahil sa mata nila
kapag iba ka
hindi ka pasok sa sistema
Nakakapagod ang pagtatanong sa sarili
kung saan ka nga ba nagkulang
kung saan ka ba nagkamali
kung ano pa ba ang dapat mong gawin
para lang sumaya
para maging tama
para maramdam na may pakiramdam ka pa
na hindi lang puro lungkot
na hindi lang puro hinanakit
na hindi lang puro galit
na sana saya naman
na sana katahimikan naman
kahit panandalian lang
maramdaman naman sana ang pagiging malaya