Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Saan.
Saan nga ba tayo nag simula.
Nag simula sa dahan.
Dahan dahan nating binitawan.
Binitiwan ang nakaraan.
Nakaraan kung saang winasak ang ating kabuoan.
Nakaraan kung saan halo halo ang ating narasanan.
Naranasan nating tapusin ang naging dahilan.
Dahilan ng ating sayat kalungutan.

Marahil nag tataka ka kung para saan ito.
Kung ano ang ibig sabhin ng lahat ng ito.
Kung ano nga ba ang lahat ng ito.
Pero sa totoo, di ko din alam.
Ayoko munang malaman. Ayoko munang sirain
Dahil natatakot ako.
Natatakot akong mawala ka.
Natatakot akong mag simuli ulit.

Salamat.
Salamat dahil mayroon ikaw.
Ikaw na laging nandyan.
Laging umaagabay sa kahit anong kadramahan.
Sana walang maging wakas.
Sana walang wakas.
At kung meron man.
Yun ay sa wakas.
Sa wakas mag sisimula na tayo.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


-RMDL

Send me the best BW Tampal!

* indicates required